Carmie's point of view @Past and present Wala na akong pamilya, ang mga mgulang ko ay wala na rin at nag-iisa lang akong anak. Ang mga kamag-anak ng mga magulang ko ay wala ni isa sa kanila na gustong umampon sa akin. Dalagita ako noong nawala ang aking mga magulang. Nasa high school ako ng sabay silang nagkasakit, kahit libre ang lahat ng gastusin sa hospital ay napatigil ako sa aking pag-aral. Walang magbabantay sa mga magulang ko na nagkaroon ng sakit na tuberculosis. Mabuti at hindi nahawaan, tatlong beses sa isang linggo ako sa kanila dumadalaw. Nasa isolatiom room silang dalawa na hindi magkasama. Magasto sa pamasahe kaya ang maliit na lupa namin ay pinasanla na muna ni Itay sa kapatid ni Inay na nasa ibang bansa. Uutang sana kami lagi nilang sinasabi na wala silang pera. Pero

