Nikki's point of view Kahit hindi ko tunay na anak si Nik ay minahal ko siya at hindi ko kailan man inisip na hindi siya galing sa akin. Unang buhat ko palang ay sinabi ko sa sarili ko na aalagaan at mamahalin ko siya. Nang hindi namin siya nadatnan sa kwarto ng aming anak ay hindi na ako mapakali. Parang may nararamdaman ako na kakaiba. "Babe, ikaw nalang ang maiwan dito sa kwatro ng anak natin, ako ang maghintay sa kanya sa labas. You are pregnant and need to rest." "Pards makinig ka sa akin, ikaw dito ako sa labas." "Pards? Babe naman!" "Huwag kang susunod." Seryosong sabi ko at lumakad na habang patuloy na tinatawagan ang aking anak. Pero hindi niya ito sinasagot. Nang nasa labas na ako ay naalala kong may tracking ang celphone ng aking anak na si Blythe kaya agad ko itong tin

