Kriselda's point of view Parang hindi ko matanggap na hindi ko tunay na magulang ang mga taong nagpalaki sa akin. Kahit kailan ay hindi ko naramdaman na ampon ako dahil nabusog ako ng kanilang pagmamahal. Napahinga ako ng malalim na napatingin kay Tito na mahimbing na natutulog na sa sofa. Wala pa daw siyang tulog mula nang nakatakas na sa sa lugar ng mga canibal. Biglang pumasok tuloy sa isip ko ang nangyari sa amin, ang akala ko ay masusunog na ang aking kaluluwa dahil sa nangyari sa amin. Hindi pa naman pinag-usapan muli, sana ay kalimutan nalang niya. Ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang itatawag ko sa kanya. Tito ba o Kuya? ilang taon lang naman ang tanda niya sa akin kaya Kuya nalang siguro. Kinagabihan ay tumawag siya sa bahay para humingi ng damit namin na pamalit. "Kuya."

