Bullet point of view Pagdating namin sa mansyon ay gising na ang lahat maliban kay Thalia na hindi pa daw lumabas sa kwarto. Dahan-dahan kong pinahiga ang aking asawa sa kama at kinumutan. Pagkatapos ay lumabas na muna ako at deretso na muna sa library. Binuksan ko ang aking email at isa-isa kong binasa lahat, may mga gatherings na imbitado ako. Napagpasyahan kong I cancel ang mga ito kung hindi ang aking asawa ang makakasama. Sa pagputok ng pabalita na nabuntis ko si Thalia ay siguradong inaasahan nila na kasama ko siya. Dapat talaga ay noon ko pa ipinakilala si Nikki para hindi na ako magka problema ng ganito. Halos dalawang oras na rin ako at natapos ko na rin ang aking trabaho. Mabuti at umayus na ulit ang trabaho ng sekretarya ko. Lumabas na ako sa library at sinilip ang aking

