Bullet's point of view Pagkatapos kong maligo ay lumabas na din ako sa aking kwarto hindi ko na dinala ang aking telepono dahil pagtingin ko kanina ay puro mensahe ng sekretarya ko. Tinatanong kung anong ginawa ni Nik at kung kailan ulit ko siya dadalhin sa aking opisina. Paglaabs ko ay nasa hagdanan si Tomboy na pangiti-ngiti. Sinilip ko ang kanyang cellphone at napailing ako dahil hindi na niya alam kung sino ang rereplayan niya. "Excuse me, playboy na walang tt." Inis na sambit ko dahil nakaharang siya sa may hagdanan. "Grabe ka naman Pare." Sagot niya na pumagilid. Nadatnan ko si Lolo sa hapag kainan na nag kakape. "Lolo, bakit ka nag kakape. Hindi ba bawal sa inyo?" "Paminsan-minsan lang naman apo, ang sarap ilang taon na ba akong hindi nagkape?" "Anim na taon na din Sir." Sago

