Rifle's point of view Agad kong pinuntahan ang aking inaanak, pagkatpos kong makausap ang kanyang kambal. Mula nangyari ang tragedy noon ay todo bantay na ako sa kanila. Mahal na mahal sila ni Itay lalo na si Bubbles na gustong-gusto manatili sa farm. Sa farm namin ginanap ang kanilang 18th birthday at pagkatapos ng kaarawan nila ay nag paiwan na muna siya at mas lalong napa lapit si Itay kay Bubbles. Kung hindi pa nila pasukan ay ayaw pa niyang umuwi noon. Nakarating na ako sa Bar at halos wala nang malakaran pa. Hindi na ako nag table pa, hinanap ko agad sina Bubbles at nasa dance floor na agad sila. Parang tulad din siya ng kanyang Ina ng una kong makilala. Ang pagka ibahan lang ay buntis na tomboy ang kanyang Ina habang siya ay parang pakawala na tomboy. Pinanuod ko nalang sila

