Rifle's point of view Masakit sa ulo na magsama ang kasintahan ko at ang aking inaanak. Mabuti at hindi tumataas ang boses ni Bubbles kung hindi ay ako na ang aalis at sila na ang bahala sa condo. Nagpalit kami ng pwesto ni Honey at nasa gitna na nila ako. Ilang beses nang natulog si Bubbles sa aking condo kaya alam kong mas gusto niya na patay ang ilaw pero iba na ngayon. Napuyat na nga ako kagabi mukhang mapupuyat na naman ako sa hindi pagkaintindihan ng dalawa. Kaya ang ginawa ko ay 50/50 nalang. Gusto ni Bubbles na ipatong ang kanyang mga hita sa hita ko. At gusto din ni Honey na patayin ang ilaw pero ayaw ni Bubbles kaya ako na mismo ang naglagay ng hita ni Bubbles sa aking mga hita hinayaan kong patayin ni Honey ang ilaw. Ngayon ay tahimik na ang dalawa lalo na at ang aking isan

