Napatingin siya sa malaking bahay na nasa harapan niya, iyon ang bahay ng ina ni Hunter na katabi lang din ng dating bahay ni Hunter noon. Napakatagal ng panahon simula ng magpunta siya rito, kung hindi siya nagkakamali ay iyon pa ang araw na halos lumuhod siya sa ginang sabihin lang sa kanya kung nasaan si Hunter ilang taon na ang nakakalipas. Pero wala siyang nakuha kahit na anong impormasyon, hindi niya akalain na muli siyang babalik dito ngayon, hindi lang para hanapin uli si Hunter kundi para lakas loob na harapin ang ginang at humingi na din ng tawad dito. Pero sa ngayon pinapanalangin siya na tanggapin siya ng ginang at ang bata na dinadala niya. Na sana makakuha siya ng ilang kasagutan patungkol kay Hunter. Napasapo siya sa kanyang tiyan bago nag doorbell, hindi nagtagal ay bumu

