"Kailan ang kasal?" tanong ni Trina kaya napatingin ako sa paligid baka kasi may makarinig. "Wala pa ... Hindi pa kami magpapakasal" "Ha?' hinaplos niya ang tiyan ko, alam ko na itatanong nila 'yan lalo pa na nagkabalikan na kami. Pero ayoko muna yan isipin. "Eh kelan? Puputok na 'tong tiyan mo oh" "Exactly Trina baka naman kasi hihintayin muna na lumabas ang baby bago ang wedding? Dapat bongga at maganda ang fit ng wedding gown, Hindi ba Erin?--after makapanganak ka ba kayo magpapakasal?" Wika naman ng isa pa naming kaibigan. Umiling ako bago nginitian silang dalawa "Hindi pa namin napaguusapan 'yan. Hindi niya pa ako inaalok eh " "Ha?" gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Trina. Pero totoo hindi namin napaguusapan ni Hunter ang tungkol sa pagpapakasal ngayon. Kung ako ang tatanun

