Habang nakatingin at nakikinig si Juvilyn hindi niya napansing wala na sa tabi niya si Yuan at nang mamalayan niya iyon parang nagpanic siya kasi hindi siya sanay na wala ito sa tabi niya sa tuwing may event dahil pag kasama niya ito at pag alam niyang katabi niya ang binata mas nagkakaroon siya nang lakas ng loob para harapin lahat. Kinakabahan na siya pero wala pa ang binata wala siyang idea kung saan nga ba nagpunta si Yuan at ngayon ay bumaba na ang mommy and daddy nito kasama ang babaeng kapatid niya baka mamaya biglang magpunta ang mga ito sa pwesto niya. “Ow! May humahabol na gusto magsalita, ladies and gentlemen Yuan Villamin,” automatikong lumingon siyang nakatingin sa stage hanggang sa makita niya ang binata na nandoon habang nakatayo malamlam ang mga matang nakatingin ito sa

