“Teka-teka lang, ang sabi mo pumili ako bakit ngayon kung maka-demand ka parang ikaw ang magsusuot?” Imbis na sagutin siya ay tumikhim lang ito para kunin ang atensyon ng sales lady na malayo ang tingin o sadyang natulala lamang kay Mr. Villamin, “Miss? Pwede mo bang ilabas ang ganitong color?” “O-opo, sir!” sagot nitong sales lady bago pumasok sa isang pinto kung saan siguro nandoon ang mga stocks nila. Ilang minuto lang ay bumalik ito na may dalang kulay violet pero slight lang ang color nito pero ang bonggang tingnan dahil kumikinang ang dress na nagmula sa mga glitters na nakalagay sa palibot ng dress. “Perfect, isukat muna habang tumitingin pa ako dito,” utos ng binata na ang tingin ay nasa sandals with heels na kulay violet na napapalibutan ng mga glitters rin. Lalaki ba talaga

