Lumabas si Juvilyn dahil sa ingay na kanyang naririnig habang panay ang hikab tapos ay nakapikit pa ang isang mata niya. Wala sa sariling nag-inat siya, sabay upo sa sofa na para bang feel at home siya o akala niyang nasa sariling bahay. Nais pa sana niyang mahiga at ipagpatuloy ang naudlot natulog nang biglang may sumigaw. “OMG! Mommy, daddy! Nandito ang girlfriend ni kuya.” Naalimpungatan siya dahil sa sigaw ng isang batang babae kaya automatic ang mata niyang bumukas sabay kuskos tapos ay tumayo mula sa pagkakaupo bago lumingon sa batang babae na nasa 16 or 17 ang edad. “T-teka lang hindi ako-” “Hija, pagpasensyahan muna ang batang ‘to mukhang nagising ka sa sigaw niya masyado kasi itong maligalig, Levy, behave,” pagpapaliwanag nitong ginang, sabay saway sa batang babae. Hindi

