Alas singko na sila ng umaga nakarating sa Singapore at diretso sila sa Hotel na hinanda ni Yuan para daw pagkarating na pagkarating nila may matutuluyan agad sila. Gusto niyang mabaliw sa sobrang ganda nang mga tanawin at ang Hotel na tinutuluyan nila ay mas maganda pa ata sa Le Villamin Hotel. Pero mas gusto niyang magtrabaho sa kapwa niya Filipino. “Gosh! Ang ganda rito, pag nakaipon ako dadalhin ko sila nanay dito at syempre kasama ka!” tumitiling saad ni Juvilyn sa kabilang linya kausap ang kanyang pinsan na si Jhoverey upang kamustahin ang lagay nito sa ospital. “Promise?” sagot naman nito sa kabilang linya. “Promise na promise!” “Sige na, mamaya na lang ulit kasi aasikasuhin namin ang paglabas ko dito sa ospital. Salamat insan! Mwahh!” anito sabay call-ended kaya ngumiti na l

