“Wow! Pwede pumitas dito?” manghang-mangha siya sa mga bulaklak na nakikita niya, iba’t ibang kulay at iba’t ibang klase ng bulaklak ang nakatanim doon. Wala siyang masabi kundi pagkamangha sa naggagandahang bulaklak, sobrang kasiyahan ang namamalabis sa kanyang puso. “Gardens By the Bay ang tawag sa pasyalan na ito kaya bawal pumitas, hindi ka naman siguro bulag para hindi mabasa ang warning sign? Kung ayaw mo naman magbayad mag isip ka muna bago pumitas,” anito na ang tingin ay nasa mga bulaklak. “Pwede ba tayong mag picture?” “Mag picture ka hindi naman kita pinipigilan,” sagot nito. “Pwede ka ba sumama sa picture? Please?” lakas loob niyang pamimilit sa binata kahit walang kasiguraduhan kung papayag ba ito sa request niya. “May cellphone ka ba?” “Yung pinahiram mong cellphon

