NAKATITIG lamang si Donabella sa screen ng kaniyang cellphone habang paulit-ulit na rumirehistro ang pangalan at numero ni Timothy. Kanina pa ito tumatawag at wala siyang lakas ng loob na sagutin ni isa sa mga tawag nito. Bukod kasi sa guilty siya ay nahihiya siya nobyo. Ilang saglit pa ay namatay nanaman ang tawag pero pumalit ang sa screen ang numero at pangalan ni Detective Morris. Agad na kinuha ng dalaga ang telepono at sinagot. “Hello, detective Morris? May bagong update na ba sa kaso?” Walang sumagot sa kabilang linya kaya nangunot ang noo ng dalaga saka sinulyapan muna ang screen bago muling nagsalita. “Detective Morris?” [I miss you...] Umawang ang labi ng dalaga. Kasabay ng pagbilis ng t***k ng kaniyang puso ang paglunok niya ng matindi. R-Redford... Kinagat ni Donabella ang

