Chapter 3

1312 Words
“HATE me all you want, but you are going to end up just like me someday, Sasha.” Iyon ang palaging litanya ng nanay niya mula pa noong teenager siya. Noong sinasagot na niya ito at hayagan niyang pinakita ang galit pagkatapos niya itong mahuling nakikipag s*x sa master’s bedroom. Imbes na magsisi at mahiya ay proud pa ang nanay niya na marami pa ring lalaki ang nahuhumaling sa kagandahan at alindog nito.             “Just look in the mirror. You are starting to look like me, darling. One day your woman’s instinct will consume you too. Kapag dumating ang araw na ‘yon mari-realize mong wala kang karapatang husgahan ako.”              Matagal na tumitig lang si Sasha sa reflection niya sa full length mirror sa loob ng resort cottage kung nasaan siya. Sa totoo lang hindi siya mahilig tumingin sa salamin maliban na lang kung talagang kailangan. Hindi kasi niya gusto ang nakikita niya. Kasi tama ang kanyang ina na magkamukha sila.             Kumurap si Sasha at kinalag ang mahigpit na pagkakapusod ng buhok niya. Sandali niya iyong sinuklay gamit ang mga daliri hanggang maging buhaghag at medyo magulo. Pagkatapos hinubad niya ang mga damit na kagabi pa niya suot, puting polo blouse at itim na slacks. Dumaan sa isip niya ang mukha ng kanyang ama bago nila isara ang kabaong nito kanina. May bumikig sa lalamunan niya, hinintay kung finally ba maiiyak na siya. Pero wala pa rin. Huminga siya ng malalim at mariing pumikit, pilit binubura lahat ng mga imaheng ayaw niya makita sa isip. Mayamaya dumilat siya uli at nagpatuloy sa paghuhubad. Nang matanggal ang conservative at plain white na bra at panty ay tinalikuran na niya ang salamin at mabilis na nag shower.              Makalipas ang ilang minuto lumabas sa cottage si Sasha na ibang iba na ang hitsura kaysa kanina. Nakalugay at alon-alon na ang mahaba niyang buhok. Sexy two-piece swimsuit na ang suot niya sa ilalim ng spaghetti-strapped red maxi dress na fit sa makurba niyang katawan at mababa ang neckline kaya halos lumuwa ang malusog niyang mga dibdib. She also put on heavy make-up; smoky eye shadows, black eyeliner and blood red lipstick.             Madilim sa labas ng cottage niya at halatang walang mga tao sa mga nadadaanan niyang cottages. Maluwag at mapuno ang exclusive private resort, dim ang ilaw na sapat lang para makita ang pathway papunta sa main establishments ng resort katulad ng bar, restaurant at kung reception area. Hindi rin nakapagtataka na halos wala pa siyang nakakasalubong na ibang guest mula nang dumating siya kanina kasi by membership lang puwede mag stay sa resort na iyon. Kung gusto magsama ng bisita ang isang member, kailangan ipaalam ng advance sa management.             Sa tuwing nasasakal si Sasha sa normal niyang buhay o kapag gusto niyang kalimutan ang mga bagay na nagpapa stress sa kaniya at gusto niya makahinga, nagpupunta siya sa mga lugar kung saan walang makakakilala sa kaniya. Last year lang niya nadiskubre ang resort na iyon at sa limang beses na pagtatago niya roon wala pa siyang na-encounter na kakilala.               Kaya tumaas ang kilay niya nang makarating siya sa open bar area na malapit sa infinity pool. Malakas ang volume ng maharot na tugtog pero mas maingay ang mga taong nag pa-party sa pool. Isang dosena lang yata ang mga ito, halos puro foreigner at mukhang magkakapareha na. Disappointed na tinalikuran niya ang eksena at tuluyang lumapit sa bar counter. Umorder siya ng alcoholic drink at bitbit ang baso na maglalakad na dapat siya palayo nang marinig niyang masayang nagsigawan ang mga nag pa-party. Hindi napigilan ni Sasha na lumingon.             Nakita agad niya kung sino ang pinagkakaguluhan ng lahat. Hindi lang dahil halos madulas na sa pagtakbo ang mga babae para makalapit dito kung hindi dahil malakas talaga ang presensiya ng lalaking bagong dating. Kahit ang ilang guest at staff ng bar na hindi naman parte ng party ay napalingon. Pumihit paharap sa grupo si Sasha at bahagyang humilig sa bar counter para mas maayos na matitigan ang estranghero. Matangkad ito at maganda ang pangangatawan. Magaling din magdala ng sarili kasi parang rumarampa sa catwalk kahit kupas na maong at simpleng t-shirt lang ang suot nito. Hindi pa niya makita ng maayos ang mukha ng lalaki kasi natatakpan ng nakalugay nitong buhok na hanggang batok ang haba. Pero sapat na ang reaksiyon ng mga babaeng lumapit dito para masigurado niyang guwapo ito. He is probably good at f*****g and had slept with all of those women at least once. Halata iyon sa lagkit ng titig ng mga babae sa estranghero at sa body language ng mga ito na para bang gusto hawakan ang lalaki pero nagpipigil. Women only react that way to a man who has been inside them. Ininom ni Sasha ang laman ng hawak na baso habang nakatitig pa rin sa lalaki. Siguro naramdaman nito na kanina pa siya nagmamasid kasi bigla itong lumingon sa direksiyon niya. Ilang metro lang ang layo nila sa isa’t isa at natatamaan ito ng liwanag mula sa lamp post kaya malinaw niyang nakita ang mukha nito. She was caught off guard because he was too beautiful. Masculine at perpekto ang facial features; mula sa mataas na checkbones, defined jawlines, matangos na ilong hanggang sa makurba at mamula-mulang mga labi. He looks like a perfectly carved sculpture or a painting drawn by the most talented artist in the world. Pero hindi rin maikakaila na mukha itong playboy. There was an air of confidence and sensuality in his stance, giving all the women in the vicinity a hint that he wanted a one night stand. Katulad din ng gusto ni Sasha para sa gabing iyon. May gumapang na kuryente sa buo niyang katawan nang magtama ang kanilang mga paningin. He has an unwavering, sexy and intense gaze. Iyong tipo ng tingin na makalaglag panty. Hindi nakaligtas sa pansin niya ang malamig at malupit na kislap sa mga matang iyon. Those are the eyes of a cruel predator. Pero hindi iyon ang dahilan kaya naalarma si Sasha at nagdesisyong umiwas sa binata kung hindi ang dumaang rekognisyon sa mukha nito habang nakatitig sa kaniya. Hindi ito pamilyar sa kaniya kaya kung kilala siya nito malamang dahil iyon sa tatay niya o worst, dahil sa nanay niya. Ayaw niya ma-involve sa isang tao na related sa parents niya.    Dumeretso siya ng tayo at hindi pinuputol ang eye contact nila na inubos niya ang alak sa hawak na baso. Ayaw niya ipahalata na medyo nataranta siya. Naningkit ang mga mata ng binata, ayaw maunang umiwas ng tingin. Napakurap lang ito at bumalik sa mga kasama ang atensiyon nang may babaeng kumapit sa braso nito. Tuluyan nang pumihit patalikod sa grupo si Sasha, umorder ng bagong drinks at bitbit ang baso na naglakad na siya palayo sa bar at papunta sa dalampasigan. Kompara sa bar area at pool, halos walang tao sa bahaging iyon ng resort pero may mga nakahilerang beach chairs paharap sa dagat. Pumuwesto siya sa pinakadulo kung saan halos madilim na at malayo sa puwesto ng nagbabantay na night shift lifeguard pero sapat pa rin para mapansin siya nito kung sakaling gustuhin niya mag swimming mamaya. Humiga siya sa beach chair pagkatapos ilapag sa buhangin ang basong hawak. Tumingala siya sa langit na kasalukuyang puno ng mga bituin at dinama ang malakas na hanging humahampas sa buong katawan niya. Manipis ang tela ng suot niyang dress kaya tumatagos ang hangin sa loob. She can feel it between her legs, making her clit and n*****s harden. Iginala ni Sasha ang tingin sa paligid, mula sa malawak na karagatan hanggang sa magkabilang side ng dalampasigan. Na-relax siya at umayos pa ng higa sa beach chair. Gusto niya ang pakiramdam na nasa open space siya na katulad niyon. Parang may tinik sa lalamunan niya ang nawawala. Parang may kadenang nakapaikot sa mga binti at kamay niya ang natanggal. She feels free, brazen and… horny.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD