Napaungol ako dahil sa lakas ng tunog ng alarm ng aking cellphone ko. Bahagya akong gumalaw para kapain ang telepono sa side table na katabi lang ng kama ko. Nang hawak ko na ito ay idinilat ko ang isa kong mata para patayin ang tunog saka ibinalik ko ulit sa mesa. Pumikit ako muli. Inaantok pa ako. Gusto ko ulit matulog pero may nararamdaman akong kakaiba. Bakit parang may nakadaganan sa akin? Ang bigat, eh.
Inilipat ko ang mukha ko sa kanan. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Tumambad sa akin ang mukha ng isang lalaki na mahimbing pa na natutulog. Hanggang sa nanlalaki na ang mga mata ko nang napagtanto ko kung sino ang lalaki. Nawala ang antok ko na parang bula!
What... The... Hell...? Totoo ba ito? Hindi ba ito guni-guni man lang?!
Mabilis akong bumangon at natataranta akong umalis ng kama. Bumaba ang tingin ko sa aking sarili. Napasinghap ako napasapo sa aking bibig nang makita ko na wala akong suot ni isa! I feel sore, too! Agad ko nilapitan ang kama sabay agaw ng kumot mula sa lalaking ito. Itinapis ko iyon sa aking katawan. Hindi ko mapigilang mapasigaw nang tumambad sa akin ang hubo't hubad niyang katawan sa aking paningin! Dahil din d'yan ay nagising siya sa nilikha kong ingay!
"What the—" natataranta niyang sabi nang bumangon siya. Napatingin siya sa akin. "Baberette..."
Nagtaas-baba ang aking dibdib. Tila hindi ako makahinga ng ayos sa lagay ko na ito. Sabihin ninyo, hindi totoo, ito! Walang nangyari, hindi ba? Tell me, this is a nightmare! Napatingin ako sa palasingsingan kong daliri nang ramdam ko na may suot ako doon. Laglag ang panga ko nang makita ko ang isang singsing. Mabilis kong inilipat sa kaniya ang tingin ko. Dahan-dahan akong umiling. "Sabihin mo... Hindi totoo ito..." nanghihina kong sabi.
Umalis siya sa ibabaw ng kama at nagsuot ng boxers. "Baberette..." akmang lalapitan niya ako ngunit agad ko inangat ang isang kamay ko na sinasabi na huwag na huwag siyang lalapit sa akin.
"Stop!" malakas kong bigkas. "Don't. Just don't."
"Sarette..." pangalan ko naman ngayon ang tinawag niya.
"Hindi totoo ito... Walang nangyari." ipinakita ko sa kaniya ang singsing na nasa daliri ko. "Isinuot mo lang sa akin ito, right? Hindi ito singsing ni angkong..."
"We got married, Sarette. And last night, may nangyari na sa atin. We made it." kalmado niyang sambit.
Umaawang ang bibig ko. I gasped once more. Ayaw tanggapin ng sistema ko ang lahat ng mga ito. Na kasal na ako sa lalaking ito! Ang malupit pa, ay may nangyari na sa amin! Napatampal ako sa aking noo. Halos sabunutan ko ang aking buhok ko dahil sa frustrations.
"Sarette..." malumanay niyang tawag sa akin nang tuluyan na niya akong hawak. Hinarap niya ako sa kaniya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "You're now my wife. Asawa na kita sa ayaw at sa gusto mo."
"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Fabian." matigas kong sambit.
"Pero ang mga singsing na nagpapatunay na kasal ka na sa akin."
Kumawala ako mula sa pagkahawak niya sa akin. "Hinding hindi mo ako maloloko, Fabian! Baka sinamantala mo ang kalasingan ko at doon, naglakas-loob ka na ipagpalit ang mga singsing!" singhal ko sa kaniya.
Natigilan siya sa sinabi ko. Kunot-noo niya akong tiningnan. Maya-maya pa ay tumawa siya na may halong panunuya. "What do you think of me? Hindi ako ganoon, Sarette. Hindi mo ako lubusang kilala para akusahan mo ako sa mga ganyang bagay. Hindi mo natatandaan kung ano ang mga nangyari? Alright, I'll tell you... Ikaw mismo ang nagsabi, kung gusto kita, dapat papakasalan kita! Pinakasalan kita dahil gusto kita! Inabala pa natin ang kilala kong judge para ikasal tayo! Ngayong mag-asawa na tayo sa mata ng batas—"
"Annulment... Yeah, right... Annulment! We need to annul this marriage right away!" malakas kong suhesyon.
Umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Humalukipkip siya sa harap ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Tila hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. "Sorry, but I won't do that."
"What?!" bulalas ko sabay hinawi ko paitaas ang aking buhok. Gusto ko siyang ibato ng kung anu-ano!
Humakbang pa siya palapit sa akin pero nanatili pa rin malamig ang tingin na iginawad niya sa akin. "Hinding hindi ko gagawin ang gusto mo, Sarette. Hinding hindi ko hahayaan na makawala ka sa akin." maski sa boses niya na mukhang determinado siya. "Hinding hindi ko ikakahiya ang pamilya ko—"
"Kahit ako, Fabian! Hinding hindi ko ilalagay sa kahihiyan ang angkan ko!"
"Hindi ka naman ilalagay sa kahihiyan dahil kasal ka na sa akin, Sarette!" he said. "Pero kung gusto mo pakasalan kita sa pangalawang pagkakataon, gagawin ko. Haharapin ko ang angkan mo para pormal kitang makuha mula sa kanila."
Hindi ko alam kung bakit nang marinig ko ang mga salita na kaniyang binitawan ay natigilan ako. Parang kakapusin ako ng hininga sa mga sandali na ito. Parang tumigil sa pagtibok ng aking puso ng ilang segundo. Bakit nagagawa niyang patahimikin ako? Bakit nakukuha niya ang kaniyang gusto sa madaling paraan?
Napasapo ako sa aking bibig. Hindi ko mapigilang mapaluha sa harap niya. Kita ko na lumambot na din ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
"Baberette..." kahit sa tono ng kaniyang boses ay naging marahan na.
"Ano ba talagang gusto mo, Fabian? Ano ba talagang kailangan mo sa akin? Hindi pa ba sapat na kunin mo mula sa akin ang kumpanya na pinaghirapan ko? Hindi ka pa ba nasiyahan na magtrabaho ako sa iyo at magtitiis ako para mabawi ko ang dapat ay sa akin?" humihikbi kong tanong.
"Bakit sa umpisa palang ay kinamumuhian mo na ako, Sarette? Ang tanging gusto ko lang naman, maging malapit sa iyo dahil gusto kita. Ilang beses ko ipinakita sa iyo kung gaano ako kabaliw sa iyo... Kakaunti palang ang ibinigay ko pero naglagay ka na ng harang."
Sinubukan kong tumingin sa kaniya, kahit na nanlalabo pa ang paningin ko dahil sa mga luha. Kahit ako, hindi ko alam kung bakit ganoon ang trato ko sa kaniya. Wala naman siyang ginagawang masama sa akin.
Marahan niyang hinawakan ang magkabilang braso ko. Marahan siyang pumikit at idinikit niya ang kaniyang noo sa akin. "I'm so sorry, baberette. Kung gusto mo, bibigyan muna kita ng oras para makapag-isip. Pero sana, huwag mo naman ipakait sa akin ang pagkakataon na patunayan ko ang sarili ko sa iyo." pinunasan niya ang mga kumawala kong mga luha. Dinampian niya ng halik ang aking noo. "Magluluto na muna ako ng breakfast..."
"Ayokong... Pumasok... Muna."
Nagbuntong-hininga siya. "Aright. I understand."
**
Ang buong akala ko ay papasok si Fabian sa trabaho. Tulad ko ay hindi rin siya pumasok. May dumating dito sa Penthouse. Isang lalaki na naka-itim na business suit. Dala nito ang laptop ni Fabian at ilang mga dokyumento na kailangan daw pag-aralan.
Kinagabihan din iyon ay gumagawa ako ng veggie salad sa Kusina ay napabaling ako sa Salas kung nasaan siya. Abala siya sa kaniyang ginagawa. Nakaharap siya sa kaniyang laptop. Minsan pa ay may kausap siya sa cellphone. Base sa pakikipag-usap niya, tungkol iyon sa business. Hindi ko rin inaasahan na nagsasalita din siya ng mandarin. Hay, Sarette. Common sense naman, syempre, sa apelyido palang niya, chinese na! Kaya malamang, marunong siya magsalita ng mandarin, cantonese o kaya hokkien!
Aksidente ko din narinig na tumaas ulit ang stocks niya sa ibang kumpanya. Kaya napapaisip ako, sadyang swerte ba ang isang ito? Kaya lahat nalang na gugustuhin niya ay nakukuha niya, including the Grand & Empress Hotel and Resort ko?
Tumigil muna ako sa paggawa ng veggie salad. Kahit na medyo nagdadalawang-isip pa ako na puntahan ang Salas ay sa huli, nagawa ko siyang lapitan. Tumigil siya sa pagtitipa at tumingala sa akin na may pagtataka sa kaniyang mukha.
Lumunok ako. Ibinaling ko sa ibang direksyon ang aking tingin. "Tatanungin ko sana kung... Anong gusto mong kainin... Ako na ang maghahanda para sa iyo."
Saglit siya hindi makasagot. Binasa niya ang kaniyang mga labi bago niya ako sagutin. "Kahit ako na ang gagawa—"
"As you said, I'm already your wife. And I should probably doing this for you." bigla kong giit. Damn, saan ko nakuha iyon?!
Naglakas-loob akong tumingin sa kaniya. Kita ko kung papaano siya nagulat sa sinabi ko. He smiled at me sincerely. "What's my wife's especialty?"
Ngumuso ako. "Hmm, pasta?"
Pumukit siya kasabay na tumango. "Let me taste it." he said.
Tumango na din ako saka tinalikuran na siya para gawan ng pagkain. Pansin ko kasi na hindi pa siya nakakain ng lunch dahil abala ako sa pagkukulong ko sa silid habang siya naman ay nagtatrabaho.
**
Tumigil siya sa kaniyang ginagawa nang ipinatong ko sa gilid ng coffee table ang plato na may lamang seafood pasta at isang orange juice. Tumuwid siya ng upo. Bakas sa mukha niya ang pagkamangha nang makita niya ang niluto ko. Ewan ko, nasa mood din kasi ako sa pagluluto kaya kinarir ko na din ang pagpeplating.
"Break ka muna sa trabaho mo. Kumain ka na muna." wika ko saka umupo na din sa carpet dito sa salas.
"Thanks, baberette." ramdam ko ang kasiyahan sa boses niya. Inabot ko sa kaniya ang plato at nag-umpisa na siyang kumain. Tumaas ang mga kilay niya nang matikman niya ang luto ko. "Masarap ka pala magluto." kumento pa niya.
"Thank you." saka hilaw akong ngumiti. Napukaw ng atensyon ko ang mga papel na nakakalat sa ibabaw ng mababang mesa, sa likod lang ng laptop niya. Kumunot ang noo ko dahil hindi tungkol sa Grand & Empress Hotel ang mga dokyumento na iyon. "Bukod sa Grand & Empress, may iba ka pang trabaho?" bigla kong tanong sa kaniya.
Tumingin siya sa akin. "Yeah. Kailangan ko din asikasuhin ang iba pang kompanya. Lalo na't hindi naman gusto ni ate Siannah na mamahala sa mga iyon dahil focus siya sa pagiging doktor." sabi niya.
"I see." tumango-tango ako. "Hindi ka ba nahihirapan? Dahil pasan mo lahat ng responsibilidad ng negosyo ninyo?"
Ngumuso siya. Isinandal niya ang kaniyang likod sa sofa na nasa kaniyang likuran lang. "Sanay na din naman ako. Bata palang naman ako ay tinuruan na ako ni papa kung papaano mamahala. Siguro ipinamulat na sa akin na hindi pupuwede maputol ang legacy ng pamilya, lalo na't myembro kami ng mga tagapagmana."
Pareho kaming natahimik. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Ni isa sa aming ay walang gusto magsalita. Sa totoo lang ay nagnanakaw pa ako ng sulyap habang nagpapatuloy siya sa kaniyang pagkain.
"Fabian," tawag ko sa kaniya.
"Hmm?"
"Let's give it a try." huminga ako ng malalim. "Simula ngayon, claim me as your wife and I'll claim you as my husband. Is that okay with you?"
Bigla siyang nabilaukan. Napasinghap ako't natataranta kong inabot sa kaniya ang baso ng juice. Ininom niya iyon hanggang sa nahimasmasan siya. Bumaling siya sa akin na hindi makapaniwala. "Sarette..."
"What?"
Ngumiti siya kahit na medyo nanghihina siya at nauubo-ubo. "Thank you."
Hindi ko magawang sagutin iyon, sa halip ay sinuklian ko ang kaniyang ngiti.
Kinaumagahan ay tumambad sa akin na wala na si Fabian. Maaga siyang umalis, siguro ay papasok na siya sa trabaho pero may tray sa side table na may sandwich at gatas. May nakadikit pa na note sa baso ng gatas. Binasa ko ang nakasulat.
It's so nice to know that I have you by my side and that life with you is more beautiful than anywhere else. Good morning, my baberette. I cannot wait to see you later.
PS. Next week, you'll be a CEO again. I just need to settle some stuff.
PPS. I love you!
- Fabian Wu
Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang sarili ko na mapangiti. Napatingala ako at niyakap ko ang note nang hindi ko namamalayan dahil nagdidiriwang ang puso ko sa saya...