[32] I love you my hubby. Masaya akong lumabas ng mansion ni angel mabilis ko rin namang namataan agad ang itim nyang luxury car. Mabilis akong napangiti. Mukhang kanina nya pa talaga ako hinihintay rito. 'Pero bakit hindi nya manlang ako tinawagan o di naman kaya ay pinuntahan kay angel?' Nakasimangot ko syang tinungo. "Bakit hindi mo manlang ako tinawagan? Nakakainis ka talaga!" Nakanguso kong sabi at inisnoban sya. Mabilis nya akong kinabig at hinalikan. 'Ang sweet telege neng bebe ke!' Pabebe pang sabi ng utak ko. "Bakit ang sweet mo ngayon?" Pilya kong sabi at yumakap sa kanya."Im always sweet as candy babe." Pacool nyang sabi at ngumisi pa sakin. "I missed you hubby ko!" Nakanguso kong sabi at tinalunan sya ng yakap,maagap nya naman akong sinalo. "I also wanted you babe."

