Chapter.20
His cold treatment.
Napamulat nalang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.
Ang sakit ng ulo ko. Para akong may hungover.
Ano bang nangyari?
Tsaka natatandaan ko lang na nangyari ay yung nahimatay ako.
Yung mismong nawalan lang ako ng malay at lahat ay malabo na.
Nasa guest room ako ng mansion ni boss. Pero bakit nga ba kasi ako nandito? Ano ba talaga ang nangyari? May ginawa nanaman ba akong kapalpakan?
Naku baka mapatay na ako nito ni boss.
Ngapala asan si boss?
Agad kong iniikot ang paningin ko sa bawat sulok ng kwarto.
Hindi naman talaga ako dito natutulog.
Duon ako natutulog sa kwarto ni boss at sya naman ang sa couch pag nagtatampo ako.
Minsan naman ay tumatabi sya saakin.
Pero ang nakapagtataka nga ay kung bakit nandito nya ako pinatulog at hindi sa kwarto nya...
O sya nga ba ang nagdala saakin dito?
Malamang bahay nya kaya ito, at hindi sya nagpapapasok ng ibang tao dito.
Pero may nagawa ba akong mali?
Mabilis akong kumilos at inayos ang pantulog ko
Lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa kwarto ni boss para sana itanong ang nangyari kagabi o kung may nagawa ba akong mali sakanya.
Dahil feeling ko talaga ay may nagawa ako sa kanya, nararamdaman kong parang nagtatampo yata sya.
Ngunit agad akong napasimangot ng mapagtantong wala na nga si boss.
Hindi kaya nauna na syang pumasok?
Hindi naman sya noon pumapasok ng hindi ako kasabay.
Mabilis akong pumunta sa kusina para sana kumuha ng tubig ngunit na gulat ako ng makitang may matandang babae na siguro ay kasambahay nya ay nandito. Nakakapagtaka dahil hindi naman sya kumukuha ng kasambahay ayaw nya ng may kasama gusto nya na laging nag-iisa kahit sa bahay lang.
"Hija mabuti't gising ka na." Sabi pa nya ng mapansin nya akong nakatayo sa bandang gilid nya. Inabutan nya ako ng tubig. Paano nya kaya nalaman na tubog ang ipinunta ko rito? Ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at tinanggap ang iniaalok nyang tubig.
Mabilis ko naman iyong tinungga.
"Naku kung hinahanap mo si red kanina pa nakaalis ang batang iyon sabi pa nya ay pasunurin na lamang kita dahil kaylangan nyang maagang makapasok busy daw eh." Mahabang paliwanag nya.
"Sya nga pala ako si leonor ang mayordoma nila red,bata palang iyon ay ako na ang nag-alaga sa batang iyon,teka napakuwento na ako sayo masyado,kumain ka na pala muna hija bago pumasok sa trabaho,hayan at pinaghanda kita ng makakain."sabi pa nya at iginaya na ako sa may mahabang lamesa.
Lutang naman akong sumubo ng kanin, at hindi na nakatiis pa na magtanong sa kanya. "Bakit po pala maaga syang umalis?" Malungkot na tanong ko.
"Hindi ko rin alam ineng basta ang sinabi lang nya ay kayalangang maaga syang pumasok at hindi ka na nya mahahantay pa magtaxi ka nalang daw muna." Simple nyang sabi at ngumiti ng biglang tumunog ang doorbell.
Nagprisinta naman akong ako na ang magbubukas dahil may niluluto pa sya.
Isa dalawa lang naman kami dito at nararapat lang na pareho kaming may gawin.
Ngunit ng buksan ko ito ay bumungad saakin ang isang maganda at mukhang dyosang babae, parang bigla tuloy akong naconcious sa itsura dahil kagigising ko palang at hindi pa ako nakakapagsuklay, siguradong para pang nasabugan ng bomba ang buhok ko.
Nakita ko ang pagtaas ng kilay nya saakin. "Who are you? Why are you here? Where's my red?" Nakataas kilay nyang tanong dahilan upang tumaas na rin ang kilay ko.
My lewis daw ba? O nabingi lang ako?
Hindi na nya ako hinintay pang makasagot at nagdere-deretsong pasok nalang sa loob.
Nakita ko ang paglibot nya ng tingin sa kabuoan ng mansyon.
"Where is red? Are you his p.a? Are you Imarra?" Taas kilay nyang tanong. Tumango nalamang ako kahit pa medyo nagtataka dahil hindi alam kung paano nya nalaman ang tungkol sakin, dahil pangalan ko mismo ang tinanong nya.
Nakita ko naman ang pagngisi nya matapos kong tumango,agad napakunot ang noo ko ano kaya ang iniisip ng babaeng to?
Muli ko syang pinagkatitigan at ganon na lamang ang gulat ko ng mapagsino ko na nga sya.
S-sya y-yung babae.......... agad nanlaki ang mga mata ko.
Yung babae sa picture na kasama ni lewis.
Sya nga talaga iyon!
Sya rin yung babaeng natext na kahalikan nya ng mga oras na iyon si lewis.
"So? do you remember me b***h?" She said then smirk."Where is MY red?" Tanong nya muli at inikutan na ako.
"Ma'am maxine." Nakayukong tinawag ni manang si maxine daw kuno'.
So maxine pala ang pangalan nitong babaeng to?
Oo na maganda na sya pero wala akong pake.
Nakita kong nginisian nya si manang.
"Where is red?" Tanong nya at sinipat muli ako ng tingin.
Parang gusto ng sumabog ng utak ko sa mga nalaman ko.
Naaalala ko na ang lahat ng nangyari kagabi.
"Wala na ho sya kanina pa umalis." Nakayukong sabi nya kay maxine.
"Saan daw nagpunta?" Simpleng tanong nya muli.
"Pumasok na ho sya sa opisina nya,may importante daw syang aasikasuhin." Magalang na sagot pa ulit ni manang. "Really? Anyway i'll go ahead na manang." Sabi nya pa at nginitian si manang muli ay sinulyapan nya ako at binulungan.
"Stay away from my boyfriend s**t p.a"tapos ay dere-deretso na syang lumabas.
Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nya.
Boyfriend? Sila ba talaga ni lewis?
Pinilit kong patatagin ang loob ko dahil ayko namang makita ako ni manang na pumapalahaw ng iyak dito dahil lang dun sa babaeng hilaw na iyon.
Parang ayaw maniwala ng buo kong sistema sa narinig mula sa babaeng yun, gusto ko manggaling mismo kay lewis ang lahat, naaalala ko pa yung sinabi sakin ni lewis kagabi.
Sabi nya gusto nya akong palaging masaya at ayaw nya akong nasasaktan pero bakit sinasaktan nya ako ngayon?
Sinabi nya lahat yun at nararamdaman ko din naman eh! Hindi naman ako ganon ka manhid para hindi maramdaman iyon.
Pakiramdam ko meron talaga! Sa bawat tingin at kilos nya ay meron akong nararamdaman.
Pero ayoko namang mag-assume dahil ako rin lang din mismo ang masasaktan.
Mabilis akong nag-ayos at nagpaalam na kay manang leonor na papasok na ako sa trabaho.
Nagtaxi lang ako at mabilis na tinungo ang building ni boss.
Naiiyak ko itong binuksan ngunit mas lalo lang pala akong masasaktan sa makikita ko.
Paano'y si maxine naman ngayun ang nakaupo sa binti ni boss habang si boss naman ay nakaupo lang sa swivel chair nya.
Binigyan lamang ako ni maxine ng isang mapanginsultong ngisi ng mapansin nya akong nakatayo lang sa pintuan.
Ng magtama naman ang aming mga mata ni boss ay tinitigan nya lamang ako na parang walang nangyari.
Walang kaemo-emosyong tingin.
Marahan akong napayuko kanina pa nagbabadya ang luha ko na tumulo mula saakin mga mata.
Ano ba ito? t*****e? Is he torturing me? Why? Did i do something na hindi nya nagustuhan? May nagawa nga ba akong mali?
Ngunit kahit na masakit ay nagawa ko paring panatilihing natural ang boses ko at hindi nababasag.
Siguro ito na iyong oras na hinihintay ko.
Yung oras na matatapos na ang lahat ng namamagitan sa aming dalawa.
Yung oras na pagsasawaan na nya ako.
Diba ito na iyong oras na pinakahihintay ko? Nangyari na! Pero bakit hindi parin ako masaya?
Dapat ngayun ay nagtatatalon na ako sa saya at naglululundag dito pero bakit hindi ko magawa?
Bakit?
Bakit parang ansakit naman yata? Bakit feeling ko namatayan ako? Bakit feeling ko may pinagluluksaan ako?
Bakit nga ba kasi hindi pa ako masaya?
Diba ito na iyon? Yung araw na pinakahihintay ko? Yung araw na malaya na muli ako at ang puso ko?
Yung araw na hindi na uli ako masasaktan ng lalaking ito?
Diba dito na matatapos ang lahat? At pwede na muli akong mamuhay ng normal? Yung magagawa ko na ang lahat ng gusto ko at maisusuot ko na kahit anong gustuhin ko, yung tipong mapupuntahan ko na ang mga lugar na nanaisin kong mapuntahan?
Pero bakit hindi ko magawa? At hindi parin ako masaya?
Nakakainis na!
"B-boss p-pupunta na ako sa table ko, s-sorry kung nakaistorbo po ako." Nakayukong paalam ko ngunit wala akong narinig na kahit isang salitang lumabas mula sa bibig nya.
Ganyan ba sya kabusy kay maxine?
Ni hindi na makausap? Oo na sobra na akong nasasaktan! Nagseselos? Oo i admit that! At sa totoo lang ay parang gusto ko ng manapak ng tao at mas masisiyahan pa ako kung si maxine mismo ang sasapakin ko.
Ramdam ko ang pagsipat saakin ng tingin ni boss ngunit ipinagsawalang bahala ko nalamang iyon.
Mabilis na lumipas ang oras at madalas napapalalim ang iniisip ko.
Ni hindi ko na nga magawang lingunin ang direksyon nila boss dahil alam kong masasaktan lang ako.
Malamang ay puro Kasweetan lang naman ang gagawin ng dalawang iyon.
Ni hindi ko na nga rin mabilang kung nakailang buntong hininga narin ako ngayung araw.
Hindi ko pwedeng ipakita na naaapektuhan ako sa presensya nila at kaylangan ko nalang ring ituon ang buong pansin ko sa trabaho ko.
Sa tambak na paper works ngayun sa table ko.
Mag-gagabi na pero halos wala pa nga sa kalahati itong lahat, sa tingin ko kaylangan ko na lang rin sigurong magover-time nito kung talagang gusto kong matapos ang trabaho ko.
Muli ay malalim nanaman akong napabuntong hininga.
Ang hirap palang magtrabaho! Nakakatamad lalo nakung may dinaramdam kapa, nakakawalang gana! Hindi naman pwedeng hindi ko ito tapusin lahat ngayung gabi sabi pa naman saakin ng secretary nya ay rush daw iyon at kaylangan na kaylangan na ito bukas ni boss, pinapagawa daw ito saakin lahat ni boss.
Ang nakakapagtaka lang ay may secretary naman sya pero bakit ako pa ang gagawa nito? At ang malala pa ay lahat ng ginagawa ko ngayun ay ang gawain ng kanyang secretary na si maru,trabaho itong lahat ni maru,
Natatawa nga ako kanina kay maru dahil kanina pa sya hingi ng hingi ng sorry utos daw kasi ito ng CEO at hindi nya daw pwedwng kontrahin dahil baka daw tuluyan na syang matanggal.
Ganon pa naman si lewis kapag hindi mo nasunod o sinunod ang gusto ay fired ka kaagad.
Like what the f**k lang diba?'
Pero ang pinaka masama sa lahat ay dinoble pa ni lewis ang mga paper works na gagawin ko.
Pwede ko na sana itong matapos sa loob ng isang araw, kung hindi nya lang pinadagdagan ay siguro hindi ko na kakaylanganin pa na magover-time dahil kanina pa sana ako tapos.
SANA nga lang talaga...
Feeling ko nga ay galit sya saakin, para syang gumaganti sa pamamagitan ng mga paper works para na nga nya akong tinu-t*****e dahil sa pagiging cold nya saakin, because of his cold treatment but parang hindi pa sapat sakanya iyon dahil may isa pa pala syang paraan ng pantutorture saakin
Yun ay ang mga pisteng paper works na ito,talagang tambak lahat eh! Ang sakit na kaya ng pwetan ko dahil dito! Parang pinagawa na nya saakin ang lahat ng mga paper works na gawain ng lahat ng empleyado dito sa ford company kaya nga halos lahat ay maagang natapos at nakauwi halos wala ka ng makikitang nagoover-time rito ngayun dahil halos ako na nga ang gumawa ng mga gawain nilang lahat at konti lang ang natirang gawain para sakanila, t*****e talaga hindi ba?
At ang isa pang pinaka masakit na t*****e sa lahat ay.............
Yun ay ang pakikipaglandian at pagiging sweet kay maxine sa mismong harapan kopa.
Okay na sana na pinatambakan nya ng paper works ang table ko bago ako pumasok pero ang makipaglandian sya kay maxine ay yun ang pinaka masakit na t*****e para sakin'.
Ng tuluyan na ngang dumilim at sa tingin ko nga ay alas nuebe na ng gabi ay napilitan na akong lingunin ang pwesto nila boss at maxine kanina.
At wala na nga sila.....
Saan kaya nagpunta ang dalawang iyon? Ah siguro nagdate? Tsk! Syempre ano pa bang aasahan ko? Masakit mang-iadmit pero kaylangan eh! Kaylangan kong i-admit na sila na talaga,na sila na iyong nagmamahalan at wala na akong lugar sa puso ni boss at hindin na talaga kaylan man magkakaroon pa ng lugar sa puso nya,
Sa puso ng boss ko,sa puso ni boss........
Kaylangan mo rin minsan masaktan at tanggapin ang katutuhanan para matuto ka sa lahat ng pagkakamali mo sa buhay at maging masaya sa bandang huli,ewan ko nga rin kung ako ba? Magiging masaya ba ako sa huli? O magdurusa parin dahil hindi ko maturuan ang puso ko na wag na syang mahalin dahil nga may nagmamay-ari na pala sa kanya.
Hindi rin naman maaalis saakin na magalit sakanya.
Dahil ni minsan ay hindi nya manlang nagawang aminin saakin na may girlfriend na pala sya,nagmukha pa tuloy akong malandi na lumalapit-lapit sa may girlfriend na,pinagmukha nya akong tanga, ngayun ay ang baba na ng tingin ko sa sarili ko,hiyang-hiya na ako sa mismong sarili ko dahil sa mga pinaggagawa ko,pumapatol ako sa may girlfriend na!
Ang sakit isipin na naloko nya ako at napaikot, galit na galit ako sakanya,isa pa nagbigay sya saakin ng malisya kaya't ako naman na si tanga ay asang-asa sa kanya....
Yun naman pala ay umaasa lang ako sa wala, gusto kong magalit sakanya at suntuk-suntukin sya pero hindi ko magawa kasi mas galit ako sa sarili ko.
Paano'y mas may kasalanan ako dahil pumayag naman ako sa mga gusto nya at pumatol din ako ni hindi nya naman ako pinuwersa dahil ako mismo ang bumigay sakanya...
Ang sakit lang talaga eh......
Naramdaman ko ang marahang pagbukas ng pinto ni lewis dahilan para bumalik ako sa reyalidad.
It's leo............