[25] New life A bit continuation of [24] --- Para namang binuhusan ng malamig na tubig, mabilis nyang tinanggal sa ibabaw nya si maxine. At mabilis nya ring isinuot ang kanayng pantalon pati na pantaas. Ang sakit palang makita sila sa ganitong sitwasyon. Kung noon ngang naghahalikan palang sila ay para na akong minamaso sa sakit ngayon pa kayang may mas malala na silang ginagawa. Noon naman kasi hanggang halikan palang sila tuwing makikita ko at hindi pa umaabot sa ganitong kasukdulan na talaga. Putangina nila! Mga hayop! Alam ko namang wala talaga akong karapatan pero kahit sarili ko ng puso at isip ay hindi ko magawang turuan at diktahan ng dapat nitong isipin at maramdaman. At kinakabahang tiningnan ako. Ngunit isang ngiting mapait lamang ang aking isinukli bago walang paalam

