Maxire Elisei's POV "Spell selos? M-A-X-I-R-E yey!" tatawa tawang kanta ni Maxine habang kasabay kong naglalakad sa hallway ng school. Kaya ayoko kasabay to eh, kung ano anong kalokohan sinasabi. "Manahimik ka nga Max" iritado kong saway. Kanina pa siya nang-aasar porke nakita niya akong nakatingin dun sa magsyotang di maganda sa paningin. Bakit ba kasi kailangan maglandian sila ni Faye, umagang umaga! "Inaano kita dude? Kumakanta lang naman ako" painosente pa niyang tugon. "Pero twin, halatado ka talaga. Umamin ka na kasi, crush mo si Yrrol" What? Who's Yrrol? "Huh? Sino?" kunot noo akong tumingin sa kanya. Huminto siya sa tabi ng pintuan ng classroom namin bago sumagot. "Boyfriend ni Faye. Sabi mo kasi, di mo gusto si Faye pero bakit ka laging tumitingin sa kanila? Siguro yung boyf

