Maxire Elisei's POV "This is the best birthday ever!" masayang sabi ni Zamy habang nakakandong kay Zoe. "I love you mommy, daddy" "We love you too Zamy" tugon ko saka siya kinuha kay Zoe at inupo sa lap ko. Nakaupo kami ni Zoe sa backseat habang nagmamaneho si Ginger. Ngayon ang birthday ni Zamy kaya kahit ayaw ng doktor ay pinilit namin siya para sa hiling ng bata. Nagpunta kami kanina sa amusement park at ngayon ay papunta sa isang restaurant na gusto ni Zamy. "Look daddy, that's the store I'm talking about" turo niya sa bilihan ng mga candy sa gawing kanan ng daan. Habang nakatingin kami sa candy store ay kitang kita ko ang reaksyon ni Zoe na nakaupo sa kanan ko habang nakatingin sa anak. Mahal niya talaga si Zamy pero hindi lang talaga siya showy na tao. "Mommy, always bring me th

