Faye's POV "Nakauwi ka na pala" bungad sa akin ni Maxire na kakalabas lang sa banyo. "Anong oras ka umuwi?" tanong ko. "Kanina pang tanghali" sagot naman niya. Marahan kong binaba ang bag ko't lumapit sa kanya na ikinagulat niya. "Anong meron?" tanong niya ng yakapin ko siya. "Namiss lang kita" tugon ko pero kaysa tugunan ng yakap ay kumalas siya. "Masakit ang ulo ko, kumain ka na lang dyan, matutulog na ako" tinalikuran na niya ako pero hinawakan ko siya. Nabwibw*sit pa ako sayo! Wag mo akong talikuran. "Mag-usap tayo" kumunot ang noo niya sa bigla kong sinabi. Umupo kami pareho sa sofa. "Kayo pa ba ni Zoe?" "Matagal na kaming tapos ni Zo--" bigla ko siyang sinampal. "Hindi na kayo pero nakipagsex ka sa kanya? Ano yun? Kamustahan sa kama?" galit na sabi ko. Sinabi ko sa sarili kon

