Chapter 6

1196 Words
NAABUTAN ni Sahara ang propesor na abala sa pagbabasa ng mga papel nang pumasok siya sa opisina nito nang hapong iyon. Nagulat na lamang siya nang pinasunod siya nito sa faculty center pagkatapos na pagkatapos ng klase nila kanina. Bahagya itong nag-angat ng tingin at inayos ang salamin sa mata. “Miss Smith.” Matigas ang pagkakasabi nito sa kanyang pangalan kaya lalo siyang kinabahan. Lalo pa nang hindi nito inalis ang atensiyon sa ginagawa. “Take a seat.” Agad naman siyang tumalima at mabilis na naupo sa upuang nasa harap ng mesa nito. Sa halip na sa propesor ay doon sa mesa niya itinuon ang mga mata. Hindi iyon ang unang pagkakataon na makapasok siya sa opisina nito pero hanggang ngayon ay manghang-mangha pa rin siya sa sobrang kaayusan niyon. Prof Del Mundo’s table was neat. Parang kabibili lamang nito dahil sa sobrang linis at kinang ng salamin sa ibabaw noon. Organisadong-organisado ang bawat gamit – ang mga lapis ay nakalagay sa isang itim na canister at ang mga ballpen ay sama-sama sa isa pang puti’ng tin can na katabi nito. Ang mga folders, papeles at isang rim ng bond paper ay maayos na nakalagay sa kulay itim na 3-layer document tray sa kaliwang bahagi ng mesa. Wala yatang mali at hindi organisado sa loob ng opisina ng terror na propesor nilang iyon. Maging ang floor tiles ay napakakintab na maari yatang higaan at parang pati ang mga alikabogk ay mahihiyang tumuntong roon. “So, what do we do about your standing again, Miss Smith?” Huminga siya ng malalim at tumingin sa kausap. Sa pagkakataong iyon ay hinubad na nito ang salamin sa mata at mataman siyang tiningnan. It was all part of their role play and she just have to go with it. “Sige, let’s hear what you have to say. Do you have any proposal to offer?” Inayos nito ang kaninang binabasang mga papel sa mesa, maging ang ginamit nitong ballpen ay ibinalik rin nito sa tamang lalagyan. Maingat nitong pinagpantay-pantay ang mga maliliit na angel figurines na nakahanay sa mesa. Pagkatapos ay tumayo ito at naglakad-lakad sa kanyang harap. Proposal. Ano pa nga ba ang puwede niyang i-propose rito bukod sa i-retake ang exam at gumawa ng sangkatutak na projects na alam naman niyang hindi tatanggapin ng masungit nilang propesor? What could she possibly propose to him besides herself? “None, right?” Mula sa kinatatayuan ay lumapit ang propesor sa kanya. He was standing in front of her, just inches away from her. Mas lumapit pa ito sa kanya at nagkaroon siya ng pagkakataon na harapin ang mapanuri nitong mga mata. Halos kasingtangkad niya ito kaya hindi mahirap para sa kanya na pantayan ang mga titig nito. “Sahara, Sahara, Sahara...we had a deal, remember?” Of course. How could she forget? It was a deal that she’s been regretting everyday since she met him again... “Naalala mo pa ba ‘yung nangyari sa atin noon sa loob ng kotse?” Seryosong tanong ni Del Mundo nang ipatawag siya nito sa opisina, unang araw ng klase, habang matamang nakatingin sa kanya. “Ako kasi, hindi ko makalimutan, eh.” Mula sa tasa ng kape sa kanyang harapan ay napaangat siya ng tingin. Ayaw na niyang magtanong pa dahil alam na naman niya kung ano ang kundisyon na iyon. “Ilang gabi akong hindi pinatulog no’n. Ilang beses kitang binalikan sa bar pero parating hindi kita naaabutan. Alam kong pinagtataguan mo ako at hindi ko alam kung bakit. Bakit nga ba, ha, Sahara? After flirting with me, turning me on and kissing me inside my car, you disappeared just like that. You even told me you loved me…” “I-I’m sorry,” halos pabulong niyang sabi. “Magulo ang buhay ko no’n, marami akong problema kaya-“ “It drove me nuts, Sahara. I can’t get you out of my head and until now, I still want you.” Kinilabutan siya sa narinig. Hindi niya iyon inaasahan na magmumula kay Del Mundo, lalo pa’t iba na ang sitwasyon nila ngayon. “Pero hindi p’wede. Professor na kita at estudyante n’yo ako.” “Iyon ba talaga ang dahilan o dahil kay Castillo? Boyfriend mo ba ‘yung Castillo na ‘yon?” Matagal pa muna bago muling nagsalita si Del Mundo. “Spend the night with me, Sahara. Just one night.” Muli itong humigop ng kape habang titig na titig pa rin sa kanya. “You choose - sleep with me tonight or be expelled together with your boyfriend.” Napalunok si Sahara. “S-sir, huwag n’yo namang idamay si Baste dito.” Yumuko siya para itago ang nagingilid na luha. Pero umiling lang ang propesor. “Hindi mo alam kung ano’ng hirap ang dinanas ko mula nang maging estudyante kita at kung gaano’ng pagtitimpi ang ginawa ko sa buong semester para lang hindi ka lapitan at halikan sa tuwing nagka-klase. Kaya huwag mo na akong piliting mapatalsik ka sa university. Did you know that my father is one of the administrators of the university? Your future depends on just one phonecall, Sahara. Think about it...” Alam niyang abot hanggang leeg na ang utang na loob niya sa propesor dahil kahit hindi niya hingin ay parati nitong pinapalampas ang mga pagkukulang niya bilang estudyante nito. Alam niyang mali at hindi dapat niya hinahayaan ang ganoon pero dumating na rin siya sa punto na kinailangan niya ang pabor na alok nito. Ilang beses niyang kinailangang lumiban sa klase para asikasuhin sa ospital ang ina at maraming beses na rin nitong pinalampas ang hindi niya pag-submit ng mga projects at pagkuha ng mga quizzes at ang totoo ay kung hindi dahil kay Prof. Del Mundo, siguro ay matagal na siyang na-expel sa unibersidad. Alam niyang hahantong ang lahat sa ganito at dapat ay handa na siya sa kung ano man ang hilingin kapalit nito. Del Mundo cleared his throat. Tila kailangan pa nitong pilitin ang sarili para bumalik sa upuan. Kumuha ito ng ballpen at isang piraso ng maliit na notepad, at may isinulat roon “Meet me here on Friday, at exactly seven in the evening. That’s the coffee shop 20 minutes away from the campus,” sabi nito sabay abot sa kanya ng papel. Sahara could sense the sudden change of his mood. Wala na ang pagiging seryoso at pagka-iritable nito, at napalitan na iyon ng kakaibang apoy sa mga mata nito. Yes, she’s familiar to the coffee shop dahil hindi lang naman iyon ang unang pagkakataon na nagkita sila ng propesor doon. Gusto niyang tumanggi sa gusto nitong mangyari pero hindi niya alam kung paano. At nang tapunan niya itong muli ng tingin ay mas napatunayan niya na hindi lang talaga grado ang dahilan kung bakit pumapayag siya sa gustong mangyari ni Prof Del Mundo. Mabait ito sa kanya, malambing sa tuwing sila ay magkasama at aminin man niya o hindi, kakaiba ang epekto ng mga titig nito sa kanya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD