Chapter 58

1004 Words

ILANG minuto ang ginugol ni Sahara para lamang mabuksan ang lumang pinto ng lumang apartment na iyon. Agad niyang kinapa ang switch ng ilaw sa dingding at makailang-ulit pa iyong nagpatay-sindi bago tuluyang nagbigay-liwanag sa buong kabahayan. Laglag ang balikat na nanatili siyang nakatayo sa may pintuan habang pinagmamasdan ang nakakalat pa niyang mga gamit doon sa sala, hanggang sa kusina. Ang karamihan sa mga iyon ay nakalagay pa sa loob ng malalaki at maliliit na kahon, samantalang ang iba pang hindi importanteng gamit ay nakalagay lamang sa mga itim na garbage bags. Hindi na niya hinintay pa na itapon ni Karen ang kanyang mga gamit sa labas ng townhouse at ipagtabuyan siya. Umalis siya sa townhouse nang parehong araw, kahit pa nga hindi na siya nakapasok sa opisina, para lamang mak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD