Chapter 28 ALMIRA Kahit tutol si Samuel na dalhin ako nila Tito at Tita sa probinsya ay determinado sila na dadalhin ako. “Sa ayaw at gusto mo isasama namin ang asawa mo bukas!” mariin na sabi ni Tita sa panganay niya. “Mom, Dad, baka makakasama kay Almira ang magbyahe ng malayo. Ipakonsulta muna natin siya sa doktor. Pagkatapos ako na ang sasama sa kaniya papunta sa mansion,” suhestiyon naman ni Nemuel sa mga magulang niya. “Oh, sige. Tawagan ko ang family doktor natin para matingnan si Almira. Hindi kami matutulog ng Daddy niyo rito dahil may dadaluhan kaming okasyon sa Makati,” turan naman ni Tita sa amin. “Hala, sasama din sana ako Mommy, Daddy, sa Laguna,” lambing naman ni Ashley sa mga magulang niya. Nakahiga lang ako habang nakikinig sa kanila. Wala namang masakit sa aking

