CHAPTER 26 ALMIRA Niyaya ako ni Nemuel sa mga bilihan ng damit sa mall. Sumama ako sa kanya kahit na naluluha ang aking mga mata. Subalit tahimik lang habang namimili siya. Inaaliw naman niya ako dahil alam naman niya ang bigat na nararamdaman ko “Tingnan mo ito, Almira. Bagay ‘to sa'yo, pero mas bagay yata ito sa akin," sabay pakita si Nemuel ng isang maternity dress sa akin. Sinukat-sukat niya pa ito. “Bagay ba sa akin?" ngiti niya pang tanong sa akin. Alam ko na gusto niya lang ako ngumiti at nagtagumpay naman siya. Para kang ewan diyan. Hubarin mo nga iyan Nakakaloko ka,” natatawa kong sabi sa kaniya. "Ayan ang gusto ko sa’yo. Yong nakangiti ka. Hindi 'yong parang pasan mo ang mundo," turan pa nito sa akin. Nilagay niya sa cart ang damit na kulay beige. Maternity dress nga, ng

