CHAPTER 35 ALMIRA Si Manang na ang nagpatuloy ng aking mga labahan. Siya na ang nagbanlaw at nagsampay ng mga ito. Panay punas ko ng aking mga luna dahil nasira ko ang mga damit na binili ni Samuel at Nemuel sa akin. Malapit lang ako sa dining area at hindi ko napansin kanina na naroon si Tita Amme. Narinig niya kanina ang hinaing ko kay Manang, kaya si Manang na ang inutusan niya na na tumapos ng labahan ko. Tumahan ka na, Almira. Kahit maglumpasay ka riyan hindi na babalik sa dati ang mga damit mong iyon. Hayaan mo mamili tayo bukas sa mall,” pag-aalo ni Tita sa akin. “Nanghihinayang lang kasi ako Tita. Mga bago pa kasi ang mga ‘yon,” panghihinayang kong sabi kay Tita Amme. Mabuti sa kung tatlo 100 ang mga ‘yon, samantalang libo ang bili ng bawat piraso ng mga iyon. "Eh, ano pa ang

