Chapter 18 ALMIRA Nakahiga ako ngunit may plastic na lababo ang nakasahod sa aking ulo. Pinapaliguan ako ni Manang. Sa halip si Samuel ang gagawa nito subalit umalis siya. Sabi niya pupunta raw siya sa opisina. Mabuti nga rin na umalis siya para makahinga ako ng maluwag. “Pasensya na po, Manang Lelia. Naabala ko na naman po kayo,’’ nahihiya kong hingi ng paumanhin sa kaniya. Si Ashley naman ay umalis din at ang mga magulang nito, kaya dalawa lang kami ni Manang ang naiwan. “Ayos lang, Iha. Ang mahalaga ay ligtas kayong mag-ina. Narinig ko na sinabi ni Donya Amme, na kailangan mo magpatingin sa psychiatrist para mabawasan ang nerbyos mo. Napapansin na rin kasi nila na kaunting lagabog lang parang natatakot ka na,’’ sabi ni Manang habang sina-shampohan niya ang aking buhok. “Hindi ko r

