OLIVIA NAGBABASA ako ng magazine nang magsalita ang bunsong kapatid ko na si Oliver "Ate Oli hindi ba natin papapasukin si kuya allister kanina pa siya sa labas hinihintay ka" napaikot nalang ang mata ko at ibinalik ang tingin sa binabasa ko "Hayaan mo siya aalis din yan" walang ganang sagot ko alam kong gustong gusto ni Oliver si Allister dahil ang cool daw nito at bagay kaming dalawa at isa pa tinatawag niyang kuya dahil panglalaki na si Allister pati ang boses at tindig nito lalaking lalaki na kaya nga ang daming nag-aakala na guy siya. "Pero Ate Oli kawawa naman siya ang tirik kaya ng araw at isa pa pinagp-piyestahan ang katawan niya diyan sa labas" ganting sagot nito habang nakadungaw sa bintana. "Subukan mo lang buksan ang gate mawawalan ka ng allowance pati gadgets mo kukun

