OLIVIA TINIGNAN ko si Allister na naglalakad palayo sa amin gusto ko sana siyang habulin pero bakit? Para saan? Dahil magpapaliwanag ako? naiiling nalang ako dahil wala naman talagang kami narinig ko naman ang bungisngis ng katabi ko tinignan ko siya sa ng masama pero ang loko cool na cool lang na para bang walang ginawang masama "Bakit?" inosenteng tanong niya. "Aray! Olivia naman bakit dinadamay mo si manoy ko" reklamo niya na napapangiwi dahil sinipa ko ang junjun niya pero wala akong pakialam dahil naiinis ako sa kanya "Bakit mo ba kasi ginawa yun nagalit tuloy yung tao" iritable kong saad pero siya napapangiwi sa sakit inirapan ko naman siya "Ano bang sumagi sa kokote mo at hinalikan mo ako nakita tuloy niya baka isipin non nagpapalandi ako sa iba" usal ko habang hinihilot an

