OLIVIA NAKASIMANGOT ako ha ang hila hila ako ni allister na ang sama ng timpla "Teka lang allister yung kamay ko pwedeng bitawan mo sasagutin ko lang itong tawag" pakiusap ko tumatawag kasi si yugo baka importante ewan ko ba naman sa kasama ko bakit naiinis. "Subukan mong sagutin yan makakatikim ka sa akin" pagbabanta ni allister pero sa ibang direksyon siya nakatingin. "Pero baka importante ko saglit lang naman" katwiran ko akmang pipindutin ko na pero agad niyang hinablot at sabay bulsa niya ng phone ko. "Allister naman ibigay mo na yung phone ko" mahinahong saad ko pero tinignan lang ako ng masama. "Wag kang makulit Olivia" iritable niyang sagot napalabi nalang ako dahil wala akong magawa. "Fine, saan ba tayo pupunta?" tanong ko nagulat ako ng ihagis niya ang kaniyang bag mabut

