OLIVIA KINAKABAHANG hinahakbang ko ang aking mga paa papasok sa bahay "Good evening Ma'am" bati ng mga gwardiya at kasambahay namin ngumit naman ako kahit napipilitan lang huminga muna ako ng malalim bago hawakan at pihitin ang doorknob. Nalaman kasi ni Allister na lihim kaming nagkikita ni Oreo kilala kong napaka selosa ng asawa ko kaya nga walang nagtatangkang lumapit sa akin dahil hinaharangan at pinagbabantaan niya kilala ang pamilyang Montreal dahil napaka maimpluwensya sila kaya nilang paglaruan ang buhay ng isang tao. Kaya mo to olivia! "Ma'am wala ka bang balak pumasok sa loob? Naku si Ma'am Allister ang sasarap ng niluluto lahat paborito mo" sabi ni Riva siya na mismo ang nagpihit ng doorknob sumunod naman ako sa kanya sa loob naamoy ko ang niluluto ni allister nakaram

