Chapter 2

1141 Words
"Ang pogi talaga ni Jaydee" kinikilig na sabi ni yesha. Nakwento niya sa akin na ilang years niya na ding crush si jaydee. Nandito kami sa gymnasium para manood ng practice ng basketball team. "Mas pogi si Elijah" sagot ko sa kaniya habang nakatitig sa baby ko. "Crush mo si elijah?" gulat na gulat na tanong niya. "Bawal ba?" pagtataray ko sa kaniya. "Ang taba naman kase ng isa hindi tuloy tayo magkasya" singhal ng isang babae. Alam kong ako ang pinaparinggan niya dahil ako lang ang mataba na nandito. "Edi maghanap ka ng ibang upuan!" mataray na sabat ni yesha kaya inawat ko siya. "Hayaan mo na" awat ko sa kaniya. "Usong mag-diet!" sigaw ng babae at nagmadaling umalis kasama ang mga alipores niya. "OMG girl! kinindatan ako ni jaydee!" hinampas-hampas niya pa ako sa sobrang kilig. Inaya niya ako lumapit kala kuya dahil tapos na ang practice. "Hi?" nahihiyang bati ko kay elijah Napataas lang ang kilay habang umiinom ng tubig. "Hi yaya" pangaasar ni jaydee sa akin. "Accept mo 'ko sa sss eli" kinikilig na sabi ko sa kaniya. "Hm" tipid na sagot niya. "Sige na!" pangungulit ko. "Prince, yung kapatid mo kinukulit si Eli" sumbong ni jaydee kay kuya. "Hoy baboy!" sinamaan ako ng tingin ni kuya. Si Eli ngayon ay may kausap ng mga babae. "Halika na baboy, uuwi na tayo!" kinuha niya ang bag niya at sabay kaming umalis. Tinext ko nalang si yesha na umuwi na ako dahil hindi ko na alam kung nasaan siya. "Bakit mo kinukulit si Eli?" tanong niya ng makapasok kami sa kotse. "Nagpapaaccept lang naman ako sa sss kuya" nakapout na sabi ko. "Tsk" singhal niya. Dumiretso ako sa kuwarto at tinignan kung inaccept na ba ako ni eli. "Wah!!!" sigaw ko ng makita ang isang notification. Elijah Brent Montecarlos, Accepted your Friend Request. "Anong nangyari?" bungad ni manang. "Ah wala po" sagot ko. Sobrang saya ko ngayon dahil friends na kami ni Eli kahit sa f*******: lang. Konti lang din ang mga picture na nasa photos niya at lahat 'yon ay seryoso lang ang mukha niya. Kumuha ako ng isang pinaka-nagustuhan kong pic at ginawa kong Wallpaper. Nakita ko na "Active now" ang status niya kaya kinikilig ako habang nagtatype ng message. To: Elijah Hi, thankyou sa pagaccept! :) Dinala ko ang cellphone ko sa baba dahil baka magreply siya. "Bakit ba kanina ka pa tingin ng tingin sa cellphone mo?" reklamo ni kuya kaya agad kong tinago ang cp ko. "Wala" sabat ko sa kaniya. Masarap ang ulam kaya napadami na naman ang kain ko. "Kala ko ba diet ka?" pangaasar ni manang sa akin. Naligo ako at nagpalit ng workout outfit na kinuha ang mat papunta sa garden. Nanood ako ng workout routine ni chloe ting. Napalingon ako kay kuya na pumapalakpak palapit sa akin "30 minutes workout kas 1 month pahinga ano 'yon?" pangaasar niya. "Wala kang pake!" binato ko siya ng bato kaya tumakbo siya papunta sa loob. Naligo ako ulit at pagtapos ay tinignan ko ang cellphone ko. Omg! Nagreply sa akin si Elijah kaya dali-dali ko 'yong tinignan. "Hm" Sobrang tipid niyang magreply! Pero okay lang 'yon atlis nagreply padin siya sa akin. To: Elijah Goodnight! :^ "Mukha kang aso" nagulat ako ng biglang magsalita si kuya. "Kuya, may girlfriend na ba si Eli?" curious na tanong ko. "Wala" sagot niya at lumabas na ng kuwarto ko. Kinabukasan tanghali na akong nagising dahil nagbabakasali ako na baka magreply si Elijah. Napangiti ako ng mukha niya ang bumungad sa akin ng buksan ko ang cellphone ko. Naseen niya lang ang message ko pero hindi niya nireplayan pero okay na sa akin 'yon! Naligo ako at bumaba. Nagulat ako ng makita sila eli at jaydee sa sala! "Hi eli" bati ko na kinagulat ni jaydee. Pero imbis na sagutin ay tinapunan niya lang ako ng tingin at tinapos ang pagsasapatos. "Kawawa hindi pinansin" pangaasar ni Jaydee sa akin kaya dumiretso nalang ako sa kusina. "Kuya, saan kayo pupunta?" tanong ko kay kuya na kumukuha ng tubig sa ref. "Magbabasketball" sagot niya. "Sama ako!" "Hindi" suway niya sa akin. "Sige na kuya!" pamimilit ko kaya wala na siyang nagawa dahil pumayag na din si mama. "Sasama natin si yaya?" tanong ni jaydee ng makitang sumunod ako sa kanila. "Gustong sumama eh" sagot ni kuya. Sa gilid ni elijah ako tumabi at sinabayan siya maglakad. Dito lang din sa village sila magbabasketball. "Thankyou sa pagaccept ha" bulong ko sa kaniya pero hindi niya man lang ako pinansin. Napapout ako ng makitang nakasuot pala siya ng earphone kaya hindi niya ako pinapansin. Sayang laway kanina pa ako daldal ng daldal eh. "What?" galit na tanong niya ng alisin ko ang isang earphone sa tenga niya. "Sabi ko thankyou sa pagaccept" pagpapacute na sabi ko. "May girlfriend ka?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot. "Wala" tipid na sagot niya. "Bakit wala?" "Ang kulit mo" inis na sabi niya sa akin at binalik ang earphone sa tenga niya. Napangiti ako dahil ang cute niya magalit. "Go eli!" cheer ko ng makashoot si eli. May kalaban silang mga lalaki na hindi ko kilala. "Ang galing si eli chineer ako hindi" nakangising sabi ni kuya ng matapos ang laro. "Magaling siya eh" sagot ko at lumapit kay eli. "Ang galing mo!" bati ko sa kaniya. "Hm" ayan na naman siya sa sagot niya. "Favorite mo yang line eh no?" pikon na sagot ko. "I dont know" sagot niya habang nagpupunas ng pawis. "Hay nako, buti nalang talaga crush kita" bulong ko. "What?" naguguluhang tanong niya. "Wala, sabi ko ang pogi mo pero bingi ka" pangaasar ko sa kaniya. "Kanino ito?" tanong ni Jaydee. Nagulat ako ng makita ang cellphone ko na hawak-hawak niya na. "Akin yan! Huwag mong bubuksan papatayin kita!" pananakot ko at pilit na kinukuha ang cellphone ko sa kaniya. Kinakabahan ako dahil baka makita nila kung sino ang wallpaper ko. "May tinatago kaba?" pangaasar ni jaydee. "Akin na sabi eh" matangkad siya kaya hindi ko maabot. Wala na akong nagawa dahil binuksan niya na ang phone ko. "Wtf" natatawang bulong niya. "Ano ba yan?" tanong ni kuya at agad na hinablot ang cellphone ko kay Jaydee. "Bakit wallpaper mo si Eli?" seryosong tanong ni kuya. Si elijah naman ay naguguluhang nakatingin sa dalawa. "Crush mo si eli no?" pangaasar ni jaydee sa akin. "Umuwi na tayo" inis na sabi ni kuya kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD