Masaya ako dahil sabi ni mama ay pupunta daw dito sila Elijah sa bahay.
Naligo ako at naglagay ng konting makeup para maganda ako kapag dumating sila elijah.
"Wow, ayos na ayos ka yazmin ha"
Pumunta ako sa sala para manood muna. May nagdoorbell kaya lumabas ako dahil baka sila elijah na 'yon.
"Hi eli" bungad ko pero tinignan niya lang ako.
"Kawawa hindi pinansin" pangaasar ni jaydee.
"Pasok kayo" aya ko sa kanila habang nakatingin padin kay elijah.
"Ang snob mo naman masyado" binangga ko ang balikat niya.
Halos ilang message na din ang nasend ko sa kaniya pero sineseen niya lang 'yon.
"Pansinin mo naman ako" nakapout na sabi ko.
"Ang kulet mo" inis na sabi niya at nagsuot ng earphone.
"Bakit ba galit ka?" hinablot ko ang earphone na nakasuot sa tenga niya.
"Kase ang kulet mo" alam ko na nagtitimpi lang siya sa akin.
"Baboy, tigilan mo nga si Eli" suway ni kuya sa akin kaya lumayo ako kay elijah.
"Bro, mukhang gustong gusto ng kapatid mo si Eli" natatawang sabi ni Jaydee.
"Epal mo" sabat ko at tumayo para pumunta sa garden.
Kahit kailan talaga napaka-epal nung mokong na 'yon hindi ko alam kung bakit nagustuhan siya ni Yesha.
Bakit ganto si Elijah sa akin?
To: Elijah
Pansinin mo naman ako huhu
To: Elijah
Kahit 'hm' lang sagot mo okay na.
lagpas 100+ ang nagiging message ko sa kaniya araw araw.
Pero kahit isa ay hindi siya nagrereply.
Nandito kami ngayon sa bahay nila Yesha para gumawa ng isang report.
"Bakit ka malungkot?" napalingon ako kay Avi.
"Paano kase hindi ako pinapansin ng pinsan mo" napapout na sabi ko.
"Baka busy" tipid na sagot niya.
"Lagi silang nasa bahay pero hindi ako pinapansin" pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.
Ang apat ang busy ngayon dahil pinalitan nila kami ni Avi sa paggawa ng powerpoint.
"Bakit mo siya nagustuhan?" napalingon ako sa tanong niya.
Bakit nga ba?
"Hindi ko din alam, love at first sight siguro ganon" natatawang sabi ko.
Bumuntong hininga siya.
"Lahi niyo na ba talaga yung seryoso at tahimik lang?" pangaasar ko kaya napa-ngisi siya.
"I don't know" sagot niya.
"Aray! Kinagat ako ng langgam" nagulat ako ng sumigaw si Yesha.
"May langgam sa bahay niyo?" napatayo ako at ganoon din si Avi.
"Ang sweet niyo kaseng dalawa nagkaroon tuloy dito" natatawang sabi niya kaya nagtawanan din ang tatlong mokong.
Hindi ko sila pinansin at tumulong na para mapabilis ang pagtapos.
"Guys!" napalingon kami kay Felix.
"Bakit ba 'yon?" reklamo ni yesha.
Nagulat ako ng itaas niya ang cellphone ko at kitang kita doon ang mukha ni Elijah!
"Si Yaz, May gusto kay Elijah Montecarlos" sigaw niya.
"Hoy! pakeelamero ka talaga!" kinuha ko sa kaniya ang cellphone ko.
"Crush mo talaga?" tanong niya at tinaas ang cellphone ko.
"Oo na!" sagot ko kaya nagsigawan ang mga mokong.
"Pinsan mo yun avi diba?" tanong ni Rimor.
Tumango si Avi at umiiling-iling naman ang tatlong mokong.
"Pinsan ko, karibal ko" naguluhan ako sa sinabi ni Dustin.
"Shutup" utos ni Avi.
"Pinagsasabi niyo?" tanong ko pero umiling lang sila.
Mga baliw na talaga sila.
Gabi na kaya hinatid ako ni Avi sa bahay.
"Sinong naghatid sayo?" bungad ni kuya ng makapasok ako.
"Si avi" tipid na sagot ko at umakyat na ng kuwarto.
As usual sandamakmak na naman na cheesy message at pickuplines ang chinat ko kay Eli.
Kahit hindi niya ako pinapansin okay lang sa akin dahil sineseen niya naman 'yon.
Hay nako Elijah bakit ganito ang nararamdaman ko sayo.
Nagbell na kaya dumiretso ako sa locker para kuhain ang tshirt pamalit dahil may practice kami ng sayaw para sa foundation day.
"Malapit ng pumutok ang damit niya sa sobrang taba niya"
"Bakit kaya ang layo ng pinagkaiba nila ni Prince"
naglakad ako pabalik sa room at ready na din ang mga kaibigan ko dahil mga nakapagpalit na sila.
"May dumi ba sa mukha ko?" tanong ko kay avi dahil titig na titig siya sa akin.
Natatawa siyang umiling.
"Impyernes hindi na mahal ngiti mo" pangaasar ko.
"Tama na landian tara na" singit ni Dustin kaya binatukan ko siya.
"Aray!" reklamo niya.
Sabay-sabay kaming pumuntang gymnasium.
"Sure ka Yaz? Baka hindi mo kayanin" natatawang sabi ni ella.
"Hoy ikaw, ang ganda mo nga panget naman ng ugali mo" reklamo ni Rimor kay ella na ikinagulat niya.
"Don't mind them" bulong ni Avi sa akin.
"Yaz! Nandito sila jaydee" kinikilig na sabi niya kaya napatingin sa amin sila felix na nakasimangot na ngayon.
Napatingin ako sa isang grupo ng kalalakihan at ang unang nakita ko si elijah.
Sigurado ako sa nakita ko na nakatingin siya sa akin!
Iniwas niya din agad ang tingin at kinausap si kuya.
Bigla akong nabuhayan na baka may pagasa ako sa kaniya kahit hindi niya ako nirereplayan.
"Hi jaydee" bati ni Yesha sa mokong na 'yon.
"Hi, oh yaya is here" natatawang sabi niya sa akin.
"Yaya mo mukha mo!" binatukan ko siya at pumunta kay elijah.
"Replayan mo naman ako eli" pagpapacute ko sa kaniya.
"Do you like me?" napakurap ako sa tanong niya.
"Yes hehehe" nahihiyang sagot ko.
Hindi sa pagassume pero parang ngumiti siya!
"Yaz, Yesha tara na!" sigaw ni Dustin.
"Bye crush! Galingan mo ha!" paalam ko at lumapit na sa mga classmate namin.
"Haharot niyo" pangaasar ni Rimor.
"Yaz, mas pogi naman ako kay jaydee diba?" tanong niya.
"Di ko sure" natatawang sagot ko.
"Mas pogi si jaydee kaysa sayo no" sabat ni Yesha.
Nagulat kami ng biglang umalis si Felix kaya tawa ng tawa ang tatlo.
Pawis na pawis ako ng matapos ang practice kaya tumakbo ako sa restroom para magpalit.
"Hoy ikaw!" nagulat ako ng may humablot ng buhok ko pagkalabas ko sa cubicle.
"Aray.. Bakit ba?" pagpupumiglas ko.
"Huwag mo ngang nilalapitan ang boyfriend ko!" sigaw ng isang babae na sobrang kapal ng makeup.
Napahawak ako sa pisnge ko ng sampalin niya ako.
"Ano bang pinagsasabi mo?" inis na tanong ko.
"Si Eli layu-layuan mo siya!" sigaw niya na ikinagulat ko.
Kala ko ba ay wala siyang girlfriend?
"Mataba ka at panget kaya hinding hindi ka niya magugustuhan!" bigla nalang pumatak ang mga luha ko.
Alam ko naman 'yon sa sarili ko pero wala eh masyado akong tinamaan kay Eli na kahit masaktan ako ay wala na akong pakeelam.
"Sorry" bulong ko at nagmadaling lumabas ng restroom.