Naalimpungatan si Lee nang dahil sa sinag ng araw na tumama sa kanyang muka mula sa nakabukas na bintana. Tumambad sa kanya ang pamilyar na kwarto.
Pano ako napunta sa kwarto ng mukong ma yun. Ang naalala ko lang ay papalabas na ako ng club para umuwi. Mali ata ang bahay na inuwian ko kagabi.
Yan ang nasaisip nya sa mga oras na iyun nang bumukas ang pinto at tumambad sa kanyang ang kaibigan na topless at naglalakad papunta sa kanya.
"Bakit ako napunta dito sa bahay mo?" Yan agad ang tanong nya na ikinasama naman ng muka ng kaharap.
"Ano bang naisip mo at naglasing ka ng mag isa. Di mo man lang ako tinawagan para samahan ka. Buti naman tumawag si Trevis para sabihin sa aking naglalasing kang mag isa. Alam mo naman na sa akin ka ibinilin ng parents mo before sila pumuntang California di ba? So ibig sabihin ako ang guardian mo." Paninermon sa kanya ng kaibigan na inirapan nya lang at humiga ulit bago nagsalita.
"I'm old enough to handle myself Jake at saka busy ka naman lagi so why bother to tell you what I'm gonna do. I know naman na di ako pababayaan nina Trevis dun sa club."
Si Trevis ay isang kaibigan ni Jake at ang barista sa club. Ewan nya ba kung bakit sa yaman nito ay inabala lamg ang sarili sa pagiging barista.
"Balita ko nagkita daw kayo ng ex mo." Usisa sa kanya ng kaibigan.
"At kailan ka pa naging chismoso. Pwede ba Jake iwanan mo muna ako at sumasakit ang ulo ko baka masipa pa kita dyan sa pagiging chismoso mo."
Akmang aalis na sya sa kama nang mapagtanto nyang iba na ang suot nya. Dala ng kuryosidad ay tinanong nya si Jake. Di naman kasi pwedeng ito ang nagbihis sa kanya. Kahit pa magkaibigan sila ay lalaki pa rin ito.
"Jake teka nga muna. Sino ang nagbihis sa'kin. Bakit iba na ang damit ko?"
"Ako, may nakita ka bang ibang tao dito maliban sa ating dalawa?"
Nagulat sya sa naging sagot ni Jake kahit alam naman sya na hindi kumukuha ng katulong si Jake at nag iisa itong nakatira sa condo ay nagulat pa rin sya sa narinig.
"Aba umalis ka ngayon din Jake kundi makakatikim ka sakin. Demonyo ka"
Nanggigigil sya sa kaibigan habang ito naman ay tawa tawa lang.
"Sorry ka Lee pero di kita type at saka dinako tumitikim ng fats baka magkasakit pa ako." Yan ang narinig nya na nagpainit lalo ng dugo nya at the same time ay nasaktan sya.
"Bwesit ka talaga Jake. Di rin naman ako tumitikim ng stick no. Anong makakain ko sa buto mo. Hayop ka."
Nagmomonologue sya habang papunta sa banyo at naligo.
"Gago sya, aba sya lang ang di nakakaappreciate ng beuty ko."
Pagkatapos nyang maligo ay tinignan nya ang sarili sa salamin na nandoon sa kwarto ng binata.
"Sexy naman ako ah. Pinagloloko yata ako ng unggoy na yun. Mas gusto nya ata ng mukhang kalansay."
"It's his loss. Gusto nyang kumain ng buto kesa sa laman."
"Aba bakit ko ba kinocompare ang sarili ko sa iba?"
Napailing nalang sya sa pinagsasabi nya at napagdesisyonang pakialaman ang gamit ng kaibigan. Sinuot nya ang boxer na sa tingin nya ay bago palang at hindi pa nasusuot ng binata at ang isang itim na shirt na hanggang gitnang hita nya. Lumitaw ang kanyang kutis sa naging suot.
"Di ko alam na mas bagay pala sayu ang damit ko?"
Napalingon sya nang marinig nyang nagsalita si Jake at nakita nya itong nakahilig sa may pintuan.
"Bagay naman talaga sakin lahat ng susuotin ko."
"Kumain na nga lang tayo at baka bumagyo pa sa silid na to." Aya sa kanya ng kaibigan at nauna nang naglakad kaya sumunod nalang sya.
Magsisimula na sana sila sa pagkain nang biglang may mag doorbell. Nagtataka nyang tinignan si Jake na halata ring nagulat.
"May inaasahan ka bang bisita ngayon?"
"No." Yan lang ang isinagot ni Jake at tumayo nalang para pagbuksan ang kung sino man habang sya ay nagsimula nang kumain.
Busy sya sa pagkain nya at di nya binigyang pansin ang bisita ni Jake hanggang sa tinawag sya nito.
"Aliyah? Oh my I didn't expect you to see here." Maarting saad ng bisita ni Jake ehich is si Yannah.
"Didn't expect me? Why? Am I not welcome to my BESTFRIENDS' house?" Pinagdidiinan nya talaga ang salitang bestfriend.
"And why are you wearing Jake's Clothes?" Mapagakusa syang tinignan ni Yannah. Nagkibit balikat lang sya at hinayaang isipin ng kausap ang gusto nitong isipin.
"Sabayan mo kaming kumain Yan." Aya ni Jake kay Yannah.
"Oh sure. I'm hungry pa naman kasi I didn't eat my breakfast." Maarting saad ni Yannah na ikina-irap naman nya.
"Conyo mo." She said before she stand up and walk towards the room.
Nagbihis na sya sa damit nya kagabi. Pinalaundry na ni Jake ang kanyang damit habang natutulog ata sya kanina at wala syang hiyang naramdaman. Aba bakit sya mahihiya e hindi naman ito ang naglaba sa damit nya.
Pagkatapos nyang magbihis ay nagpaalam na sya ngunit wala namang pakialam ang dalawa kaya umalis nalang sya doon.
Habang nasa elevator sya ay naalala nyang may pasok sya ngayon. Dali dali nyang tinignan ang kanyang relo. It's already 7:30 in the morning at may pasok sya bandang 9 ng umaga.
Shit naman Lee oh bakit mo ba nakalimutan na may pasok ka ngayong gaga ka. Buti nalang talaga umalis ka sa empyernong bahay na yun. Though di naman talaga yun empyerno may dumating lang na bruha.
Aligaga sya sa paghahanda. Di nalang sya nagluto ng umagahan total nakakain naman na sya kila Jake. Mabuti nalang talaga at dalawa ang kotse nya kaya di na nagkaproblema. Nasa bar pa rin ata ni Jake ang kotseng ginamit nya kagabi kaya napilitan syang gamitin ang isa pa nyang kotse.
Mabuti nalang talaga at medyo hindi traffic kaya nakarating sya ng matiwasay sa kanyang kompanyang pinagtatrabahuan. Dali dali syang pumasok at di nya pinansin ang guard na bumati sa kanya. Sino ba kasi ang hindi magmamadali kung 8:40 na. Baka masabon sya ng kanyang boss.
Wala namang problema sa kanya ang mapagalitan kasi ninong nya ang boss nya pero nahihiya pa rin sya dito at ayaw nya na parang may special trearment na nagaganap. Gusto nya na kung ano ang pagtrato ng ninong nya sa ibang emplyeyado ay ganun din ang trato nito sa kanya.