"Lee may sasabihin ako sayo." Yan agad ang pambungad ng kanyang kaibigan.
Nandidto sila sa isang mamahaling restaurant para icelebrate ang kanilang pagkakaibigan.
"Ano naman yun Jake? Kinakabahan ata ako sa sasabihin mo." Saad ni Aliyah.
Lihim nyang ipinagdasal na magtatapat na si Jake ng nararamdaman sa kanya. Lingid sa kaalaman ng kaibigan na matagal na syang may magtingin dito.
"Sana di ka magagalit o di kaya ay sana walang magbabago sa ating pagkakaibigan." Madramang saad ng kaibigan na nasa harap nya at hinahawakan ang kamay nyang nasa ibabaw ng mesa.
"Ano ba kasi yun." Hindi na sya mapakali sa kanyang inuupuan habang hinihintay na sabihin ng kaharap ang dapat nitong sabihin
"Ipangako mo muna."
"Oo na. Pangako." Napairap nalang sya.
Almost 5 years na silang magkaibigan. Nagsimula iyon nung naging magkatabi sila sa isang subject nung ikaapat na taon nila sa kolehiyo. At ngayon ay may stable na silang trabaho ay nanatili pabrin ang kanilang pagkakaibigan.
"I'm dating Yannah." Mabilis pa sa alas kwatrong saad ni Jake.
"A-ano?" Kandautal utal nyang tanong. Parang di makapaniwala sa narinig. Lahat ng pag asa nyang magiging sila ni Jake sa huli ay unti unting nagbabagsakan.
"Yannah and I. We're dating." Ulit ni Jake.
She compose herself and acted as if she's happy of what she heard even though it's opposite of what she really felt inside.
"Kailan pa? Bakit ngayon mo lang sinabi? Akala ko ba ako ang bestfriend mo?" Pagdadrama nya kahit pa ipakita nyang nasasaktan sya sa narinig ay natatakot syang baka lumayo sa kanya si Jake.
" Almost a month. Wag ka nang magtampo. Nahihirapan nga akong sabihin sayo e kasi baka ayaw mo sa kanya."
" Pano na tayo nyan? Pano na ako Jake. For sure mawawalan ka na ng time sa akin. Mas uunahin mo na si Yannah nyan kasi baka magselos sya. Halos wala ka na ngang time sa kaibigan mo dahil sa pagmamanage mo sa club mo." She bluntly said.
Totoo naman kasi na magmula nung naging tanyag ang club na pagmamay ari ni Jake ay halos wala na itong time sa kanya. Gising paggabi tapos tulog mantika naman sa umaga.
"Wala namang magbabago Aliyah. At saka nagdadate palang kami para namang mag aasawa na ako and I'm sorry Lee kung halos wala na akong time sayo medyo busy kasi sa club. Promise I'll make it up to you one of this days. Wag ka nang malungkot dyan."
"Promise mo yan ah." Medyo naging maayos naman ang kalooban nya sa narinig galing sa kaibigan.
"Oh I almost forgot. I have a gift for you. Happy 5 years of friendship Lee. Di ko akalain na sa kadaldalan mo naging magkaibigan tayo." Sabay abot ng kanyang regalo.
Excited nyang binuksan at bumungad sa kanya ang isang elegantemg kwentas.
"Ang ganda Jake. Isuot mo sakin dali."
Sinunod naman ni Jake ang utos nya at napansin nyang parehas sila ng kwentas ni Jake. Hindi na napigilang tanungin ito.
"Same pala tayo ng kwentas Jake?"
"Yes. Nakita ko kasi ito nung bibili dapat ako ng sapatos para iregalo sayo nung birthday mo at nakita ko to tapos naalala kita so binili ko." He casually explained na parang wala lang yun pero iba ang nararamdaman ni Lee. Sobra nyang naappreciate ang ibinigay ni Jake.
"Thank you so much Jake." Di nya napigilan at tumayo sya upang yakain si Jake.
"Wala yun syempre bestfriend kita e. Pero yung gift ko nasan aba nung first year natin bilang magkaibigan niregaluhan mo ako ng condom tapos sa second naman ay babae. Para atang pinamimigay mo na ako." Madramang saad ng kaibigan.
Natatawa naman syang umupo sa silya nya. Naalala nya ang mga kalokohang ginawa nya. Yung mga panahon na iyon ay hindi pa nya napagtanto na mahal na pala nya ang binata.
"Iba na ngayon Jake. Ito matino na to." Sabay abot nya ng kanyang regalo.
Isa itong bracelet na kaparehas ng sa kanya. Ipinakita nya kay Jake na parehas sila.
"Yan ang simbolo ng ating pagkakaibigan Jake. Kapag hinubad ng isa sa atin ang bracelet ibig sabihin wala na ang pagkakaibigan natin." Sabi nya sabay tayo at nag aya nang umuwi.