Chapter 25 Tanaw ko mula sa papalabas na sasakyan ang malaking bahay. This is the plan we talked about. Hindi na ako nagpaalam pa kay Isa. Alam ko na pipigilan niya ako kahit na anong paalam ang gawin ko. At ayokong, mabulilyaso ang plano na inilaan nila para sa amin. I want Isa to be safe pati na rin ako at ang magiging anak ko. Pero---wala sa plano ko na sundin sila. Pinag isipan ko itong mabuti ng ilang araw. Nagdadalawang isip ako pero ito ang mas makakabuti sa amin. At napagdesisyunan kong magpakalayo layo nalang. Hindi ko naman na kailangang umuwi ng apartment dahil wala din doon si Marriane. Nasa pangangalaga ito ng pinsan ni Isa. Siya ang naatasang magbantay dito at protektahan siya. Pwede daw kasi nila itong gamitin para makuha nila ako. And I can't risked that. Ang importan

