-PROLOGUE-
"Huwag kang lalapit..." I told him and gestured my hand to stop him from walking. Ayoko siyang lumapit sa akin, baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.
Tapos, umiling iling ako, "after three years, Henrico. After three long years! Then here you are? Telling me that you'll explain everything? Hindi man lang ba sumagi sa isip mo ang salitang huli na? Hindi mo man lang ba naisip na wala ka ng babalikan?"
I bursted out. I wanted to calm my nerves down dahil nakalipas na lang siya at ibinaon ko na siya sa limot.
"Please, hear me out mahal---" I cut him off and laugh sarcastically.
"Mahal? Who are you, again?" I asked, frankly.
"Alam ko na mali ang iwan ka..." Pinatigil ko na naman siya sa pangalawang pagkakataon.
Parang mas nanggagalaiti ako sa galit sa mga sinasabi niya.
Past is past.
"First." May diin kong pagkakasabi. "A past stays in the past. Hindi na kailangan pang halungkatin. Second, don't you dare call me mahal. Dahil ang taong mahal ko ay nasa nakalipas ko na lang and wilk stay there. You!" Galit ko siyang tinuro. "Will never be him. Kapangalan mo lang siya at nagpapanggap. And if ever na ikaw man ang lalakeng iyon na nang iwan at pinagpalit ako---- don't you think, that it's too late for your f*****g explanation? Now, get lost and don't ever come near me."
Nakita ko ang luhang namalisbis sa kanyang mga pisngi. I don't know, but I feel empty. I didn't even cry. Tinitignan ko lang siya sa aking harapan.
He kneeled down.
" I'm sorry... " he said, crying.
Tinalikuran ko siya, "huwag ko kong luhuran. I am not God for you to kneel down on me.
" Look at me, Ma---"
" Stop! " Napapikit ako at dahan dahang nagmukat bago hunarap ditong muli. My patience is running thin now. "Don't call me that kung ayaw mong iwanan kita dito." May babala sa aking boses.
"Just give me a minute or two. I just wanted to explain everything." Nakikiusap na saad niya. Hindi ma lang ito tumigil sa pag iyak.
"Kahit anong explanation ang sabihin mo--- hindi na niya kaya pang ibalik ang lahat. Hindi na matatahi at maibabalik ng explanation na yan ang sugat na nilikha mo sa puso ko." Sambit ko at pinanatiling walang emosyon ang aking mukha, like he did years ago.
Inihilamos nito ang kanyang kamay sa kanyang mukha at mas napahagulgol. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya, pero gusto ko siyang sumbatan para sa lahat ng nagawa niya.
Sa lahat din ng ginawa ko noon na binalewala niya lang. Lahat lahat.
"Ginawa ko lang 'yon para sa ikabubuti natin. Pakingg---" Pinatigil ko na naman siya at tinawanan.
"Ikabubuti natin?" Nagmumukha na akong valiw sa pagtawa dahil sa mga naririnig ko. "What a lame excuse, Henrico. Wala na bang iba? Wala na bang bago? Napapanood ko ang mga ganyang excuses sa mga movies and teleseryes. Hindi ko alam na fanatic ka pala."
"Bigyan mo ko kahit ilang minuto lang para magpaliwanag, Lailanie. Please..." gumaralgal ang boses nito at hinawakan ang mga kamay ko na mabilis kong iwinaksi.
"Huwag mo akong hahawakan." Puno ng galit na saad ko. "Nagmakaawa din ako sa 'yo noon, Henrico. Naalala mo naman siguro? Nagmakaawa ako pero anong ginawa mo--- tinalikuran mo ako. What does it feel to begged, Henrico?"
"Nagsisisi akong ginawa ko iyon sa' yo." Pautal utal na ang kanyang boses dahil na din sa pag iyak. But I really don't care. Ginawa din niya sa akin iyan noon. Tinalikuran niya ako habang iyak nang iyak at nagmamakaawa.
"Don't, Henrico. Magsisi ka man o hindi--- it will never be the same again. Kaya huwag na huwag mong hilingin na pakinggan kita dahil hindi ko iyon maibibigay sa 'yo. You don't deserve to be heard."
At tuluyan ko na siyang tinalikuran. Ang batong nakapalibot sa aking puso ay biglang nawasak. I know, I'm about to cry and to save myself--- I have to run away and leave him here. Kung hindi ko iyan gagawin--- ipagkakanulo ko ang aking sarili.
Naisip ko ang lahat ng ginawa kong pagmamakaawa, paghahabol, pagluluhod at marami pa. And there it is--- my tears started falling from my eyes. Ang sakit pa rin ng ginawa niya at ramdam ko iyon ngayon.
All the pain. All the hatreds. All the tears.
Hindi ko man aminin ay alam kong naninirahan pa din sila sa puso ko. At ang hirap kapag nakikita mismo ng mga mata mo ang taong nagparamdam at nagbigay sa 'yo ng sakit. Kusang bumalik ang lahat lahat sa aking isipan. Mga alaalang gusto ko ng ibaon lahat sa limot.
Mga sakit na siya lang ang nagbigay at nagparamdam sa akin.
Huminga ako nang malalim bago nagsalita.
"I have one favor to ask from you. Hindi naman mahirap ang pabor na hihingin ko." Sambit ko at pilit pinatatag ang aking boses. Ayokobg marinig nito ang pait sa aking boses. "Please, layuan mo na ako. Nasanay na akong wala ka. Kahit ipaliwanag mo pa ang lahat--- hindi na nito maibabalik pa ang lahat sa dati. The love we had and shared long time ago, died the moment you turned your back on me. Forget about me, Henrico. I am not the same Lailanie you know back then. And I hope this will be the first and last. " I said and walked away while my tears keep falling down my face.