Maraming araw ang lumipas. Nag umpisa na ako sa bar. At ang masasabi ko lang ay maayos ang trabahong napasukan ko. Hindi naman siya gaanong nakakapagod sa ngayon dahil may limit ang oras ko. Ayaw akong ifull time ni Tita Sazzy baka daw kasi mahirapan ako lalo na't alam niya ang pinagbubuntis ko. Hindi ko inaasahan na sa pagtagal pa ng mga araw ay nagiging fully booked ako lagi. Kahit ayaw ni Tita na full ang booked ko ay wala itong magawa. Siyempre, gustong gusto ko naman iyon para mas mapabilis ang pag iipon ko. Pero---doon ko naramdaman ang pagod ko. Hindi pagod sa pagsasayaw---kung hindi sa puyat. Tapos kadalasan ay hindi ko pa nakakain ang mga cravings ko dahil na rin sa oras ng pag uwi ko. Bahay at trabaho lang kasi ang routine ko lagi. Buti nalang andiyan si Marriane na bumibili ng

