It's our date tonight... Hindi ko nga alam kung bakit parang kinakabahan ako. Tila luluwa ang puso ko mula sa aking dibdib dahil sa malakas na pagkabog nito. Lulan palang ako ng sasakyan patungo sa kung saan nito piniling magdate. Kakain lang naman kami pero bakit parang may iba. I can feel something else. Ang usapan namin ay kaninang umaga ay ito na ang susundo sa akin---pero bodyguard nito ang dumating. Mamaya lang siya, iirapan ko talaga ito. Wala man lang kahit isang tawag o kaya text. Dati naman ay ginagawa niya---but now? Wala akong natanggap kahit isa. Okay pa naman kami kaninang umaga. Tapos ng gumabi lang---biglang walang paramdam. Kinakabahan talaga ako ng sobra. Tumatakbo kasi sa utak ko na baka iwan niya ako gaya ng ginawa niya noon sa akin. May takot akong nadadama haban

