Nakikita ko sa kilos ni Lailanie na excited itong lumabas. Hindi ko alam kung bakit naguiguilty ako. "Hindi ko sigurado kung makikipagkita siya sa atin, Lai. You know that." Pagpapaalala ko sa kanya habang tinitignan ko siyang nag aayos ng mga pinagpilian niyang mga damit. Ang dami niyang naisukat bago napirmi sa isang bulaklaking bestida. It suits her very well. Bagay na bagay sa kanya. Mas nangibabaw ang kaputian nito at magandang hubog ng kanyang katawan. Maga nga lang konti ang kanyang mata dahil sa kakaiyak. "Alam ko naman 'yon, Marianne. Saka, alam ko namang pupuntahan at sisiputin niya tayo. Hindi niya tayo matitiis." Napatingin ito sa kawalan bago ngumiti. Naaawa ako sa kanya. Alam niya sa sarili niyang kaya na siyang tiisin ni Henrico pero pinapagaan niya lang ang loob niya.

