“Bakit mo naman ginawa ‘yon?” nakakunot ang noo na tanong ni Lirah kay Kiray. Kasalukuyan silang namimili ng susuoting bathing suit sa kwarto nito. Mabuti na lamang ay pinagbuksan din siya nito sa wakas. Ngumisi si Kiray. “Para sa ‘yo ‘yon, bessy! Ano ka ba?” “Anong para sa akin? Nakakahiya kaya! Ngayon paano kami matutulog? Alangan naman na hayaan ko siya sa sahig mamayang gabi?” “Bakit ka naman mahihiga sa sahig kung meron namang kama? Tsaka, ano bang kinatatakot mo? Eh asawa mo na ‘yon.” “Parang hindi mo naman alam kung ano ang sitwasyon namin.” “Sus! Bakit? Iniisip mo kung may girlfriend siya? Eh ‘di ba nga matagal na silang walang komunikasyon?” Bumuga ng hangin si Lirah. “Kahit kailan talaga hindi ako mananalo sa ‘yo.” Tumawa si Kiray. Naupo siya sa tabi ni Lirah. “Alam mo, Se

