THE office room was surrounded by yellow dim lights. Nakadadagdag iyon sa kaelegantehan ng malaking silid. Mabilis na naganap ang meeting niya at site visit sa bansa dahil nais niyang aliwin na muna ang sarili ngayon na naghiwalay sila ni Laiza.
“Congratulations, Mr. Lombardi!” wika ng may-edad na lalaki. Ito ang kausap at ka-business deal niya sa bansang iyon, si Mr. Chua. Nagpundar ng kapital ang pamilya ni Trevor at kumita iyon ng malaking halaga sa loob ng isang taon. Nakipagkamay ito sa kanya. “Hope to meet you soon, Mr. Lombardi!”
“Thank you for the job well done!” aniya na tinanggap ang kamay nito.
“By the way, I would like you to meet my daughter if you don’t mind. She can tour you around Beijing,” nakangiti nitong wika.
Bahagyang nagtaas ang kilay ni Trevor. Mukhang hindi sapat sa matandang lalaki ang presensiya niya bilang business partner lang nito. Naaamoy niya na nais pa talaga nitong ireto sa kanya ang anak nito.
“I’m sorry, Mr. Chua. My wife is waiting for me.”
“Oh! You are married?”
Dinukot ni Trevor ang kanyang ginintuang singsing na naroon sa kanyang bulsa at ipinakita rito. “Here! I forgot to wear it earlier after I washed my hands.”
“Oh! I’m sorry. I didn’t know. Congratulations on your marriage!” Lumabas na ito ng silid.
Lalong umasim ang mukha ni Trevor lalo na sa huling sinabi nito. Ano pa ang ikasasaya niya gayong heto nga at may lawyer nang mag-aasikaso ng kanilang paghihiwalay. Sininop niya ang kanyang mga gamit at tinungo ang pintuan papalabas.
“Gusto kong magkaroon ng saglit na bakasyon kahit dalawang araw lang. How’s Laiza’s issue?” tanong niya kay Amir na kanyang assistant. Hangga’t maaari ay ayaw na muna niyang usisain ang tungkol sa babae, ngunit nag-alala talaga siya nang malaman na nagkaroon ito ng problema sa Pilipinas. Hindi niya napigilan na tulungan ang kanyang asawa.
“Sir, Ms. Guidote doesn’t want to admit her mistakes for hiring the pregnant lady. The lawyer will file a complaint including the evidence tomorrow. He talked to Madellaine early this morning. Nalaman po namin na may sakit po ang asawa n’yo.”
Napatigil siya sa pagkilos at hinarap ang lalaki. “Bakit ngayon mo lang sinabi? Is she alright?”
“She’s alright, sir. Sa tingin ko po ay dinamdam ni Ma’am Laiza ang nangyari sa kanyang trabaho sa ngayon. Idagdag pa na nag-aaway-away ang mga fans, at ang paghihiwalay ninyo.”
Natahimik si Trevor.
“You know what to do with Gidget Guidote.” Malalim na nag-iisip si Trevor hanggang sa makarating sila sa tapat ng elevator. “One more thing…”
“What is it, sir?”
“Kumusta ang proseso ng paghihiwalay namin ni Laiza? Ano ang balita?”
“Tulad po ng utos n’yo, hindi pa muna ibinibigay ng abogado ang papeles para mapirmahan ni Ma’am Laiza ang proseso ng annulment. Hahayaan po muna namin siya hanggang sa maayos ang problema niya sa Pilipinas.”
“Amir, is it okay to find a date kahit na kasal pa ako kay Laiza?” Naisip niya lang iyon nang basta. Nilingon niya ang lalaki na nagulat sa kanyang nais.
“I’m not good at relationships, sir. I-I’m sorry.” Namula ang pisngi ng lalaki. Tumikhim ito. “But Ma’am Laiza will surely be hurt once she finds out about it.”
“Then, find a woman,” utos niya na may nakatagong plano. Bumukas ang elevator at saka sila nito sumakay.
“Sir?” hindi makapaniwalang pangungumpirma ni Amir sa huli niyang bilin.
“Find a woman who could be my date.” Tiningnan niya ito nang may panghahamon. Nakikita niya kasi na parang wala sa plano nito na sundin ang nais niya.
Laiza’s dad is not a simple person. Alam niya ang nasa isip ni Amir. Hindi simple ang kanyang asawa. Nakakatakot itong lokohin. His relationship with Mr. Suatenco would be in trouble. Kaya lang ay malalaman din naman nito sa pinakamalapit na panahon na maghihiwalay na sila ng kanyang asawa.
Tumikhim muli ang lalaki bago sumunod sa kanya sa pagpasok sa loob. “U-understood!”
At saka nito pinindot ang buton pababa sa ground floor.
***
“ANG LUKA-LUKA, na-pressure ng opisina kaya umamin na may kinalaman siya sa buntis na babae na gumawa ng eskandalo doon sa Dusit Hotel,” bungad ni Madellaine kay Laiza.
Naroon siya sa kanyang tirahan dahil kasalukuyan siyang may trangkaso. Hindi maayos ang kanyang pakiramdam. Masyado na siyang nai-stress sa mga nagaganap sa kanyang buhay kaya heto siya panay ang singhot at pag-ubo.
“Anong parusa ng bruha?” usisa niya rito.
“Liliitan ang screen time niya sa bago niyang serye. Umamin kasi ‘yong buntis noon sa hotel na gumawa ng eksena—sinabi nga na si Gidget ang may pakulo ng pagwawala niya doon. Siyempre hindi rin naman ligtas ang luka-lukang preggy. Nakatanggap pa rin siya ng reklamo mula sa opisina.”
Sa lahat ng sinabi nito ay wala siyang naiintindihan. Nais niyang malaman kung nasaan ang kanyang asawa. Limang araw na itong nasa China at wala pa siyang balita kung nakabalik na ito.
Inubo muli si Laiza.
“Ayos ka lang?” tanong ni Madellaine.
“Ayos lang ako.”
Napabuntonghininga ito at saka hinipo ang kanyang noo. “Mukhang kailangan mo ng kasama. Mataas pa rin ang lagnat mo. Pa’no ba ‘to? Kailangan kong asikasuhin ang kontrata ni Seb sa bagong trabaho na kumakaway sa kanya. Kailangan kong umalis.”
“Tatawagan ko ang kaibigan kong si Gazelle ng The Pink Girls Code. Nag-aalala rin siya sa akin dahil sa mga balita sa’kin. Magpapapunta rin ako ng maids mula sa club para maglinis dito at magbantay sa ‘kin. Huwag mo akong alalahanin.”
“`O siya! Aalis na muna ako. Babalik ako mamaya para dalhan ka ng pagkain.”
“Thanks, Mad!”
Kinuha nito ang bag at umalis na sa kanyang silid. Naramdaman naman ni Laiza ang kanyang pag-iisa ngayon na wala siyang marinig kung hindi katahimikan. Tumayo siya para uminom ng tubig. Kinuha niya ang kanyang telepono para tawagan ang The pink girls code.
“Hello, this is Laiza Delgado. Magre-request sana ako ng maid for this day. I have the flu and I don’t have time to clean my home.”
“Sige po, Ms. Laiza. Magpapadala po kami d’yan ng tulong na kailangan n’yo.”
Tagaaliw ba ng nawasak na damdamin, meron din ang Pink girls code? Nais niya sanang sabihin ngunit baka sabihin nito na nababaliw siya.
“Salamat!” Pinutol na niya ang tawag dito kaysa kung ano pa ang kanyang masabi.
Nagpatugtog na lang siya ng instrumental music para kahit papapaano ay hindi tahimik ang kanyang tirahan.
Ilang minuto ang lumipas nang dumating ang tulong na hiling niya sa kanyang sorority para maglinis ng living room at kusina. Dalawang babae iyon na may punto ang mga salita. Unang beses iyon na humiling siya ng maid.
“Salamat sa inyo. Mamaya ko na kayo bibigyan ng tip,” aniya sa dalawang babae.
“Sige po, ma’am. Gagalingan namin maglinis.”
Isa iyon sa mga kaginhawaan na natatanggap niya sa The pink girls code. Pwede siyang humiling ng mga tao na magtatrabaho sa kanya. Kaya lang ay ito rin ang rason kung bakit siya nadiskubre ng asawa ng kanyang ama. Naglinis ang dalawang babae habang nagtsitsismisan.
May mask sa bibig si Laiza, idagdag pa ang hindi maipaliwanag na anyo ng kanyang mata kaya hindi siya makilala ng dalawa. Hinayaan na lang ni Laiza ang mga ito. Siguro ay dahil napapagod na siyang makinig sa tahimik na silid kaya ayos na sa kanya na may nag-iingay.
Tumabi siya sa tabi ng floor-to-ceiling window at hinayaan ang sarili na maaliw sa labas. Mabuti na rin ang ganito na mag-isa siya, hindi niya masyadong naiisip ang mga problema.
“Ayyy!” Napatili ang isa.
Kinabahan si Laiza dahil baka kung ano na ang naganap sa babae. “Ayos ka lang?”
“S-sorry po, ma’am!” Pagpapaumanhin sa kanya nito. “M-may tsismis lang kasi na pumasok sa cellphone ko.”
Iniiwas ni Laiza ang mukha rito. Baka mamaya ay makasagap pa ito ng tsismis tungkol sa kanya. Baka siya pala ang nadiskubre nito.
“Dudu, alam mo ba kung sino ngayon ang juwa ng crush kong si Trevor Lombardi?” Bahagya niyang pinakinggan ang dalawa matapos marinig ang pangalan ni Trevor.
“Ay! Talaga? Sino, Didi?”
“Si Jewel, ‘yong nanalo ng talent portion sa Binibining Pilipinas.”
“Ay! Talaga?”
Doon hindi napigilan ni Laiza ang tumayo at harapin ang dalawang babae. “Anong jowa ang sinasabi n’yo tungkol kay Trevor?”
“Ay, ma’am! S-sorry po kung maingay kami.”
“Ano ang tungkol kay Trevor?” ulit niya habang nakakunot ang noo.
“S-si Trevor po, ma’am. N-nabalitaang juwa ni Jewel.”
“Saan mo nakuha ang balitang ‘yan?” malamig niyang tanong. Kahit galing pa ang mga ito sa kanyang sorority na mapagkakatiwalaan, hindi siya magdadalawang-isip na isauli ang mga ito roon.
“Sa Instabrag po. Magkasama silang umalis noong nakaraan, ‘tapos ngayon ay sabay sila ulit na bumalik ng Pilipinas. Nakita ko lang po sa post ng Showbiz Chismis.”
“Balik na kayo sa trabaho.” Oras ng trabaho pero may nakakapag-Instabrag pa ito.
“Pasensiya na po ulit, ma’am!”
Kinuha ni Laiza ang kanyang cellphone para makibalita sa kanyang asawa. Nag-browse siya sa internet. Totoo ang sinabi ng maid, kadarating lang ng Pilipinas ni Trevor at kasama nito ang babaeng si Jewel, ang kasama rin nito noong thanks giving ng ‘Sweet lies’.
Nagkaroon ba agad ito ng relasyon sa iba?
Tinawagan niya si Amir. Kung naroon na si Trevor sa Pilipinas, sigurado na naroon na rin ang assistant nito.
Nagbalik siya sa tapat ng salamin na naroon sa gilid ng gusali habang nakadikit sa kanyang tainga ang cellphone.
“Ma’am Laiza.”
“Where is Trevor?” tanong niya.
“N-nasa opisina po kami.”
Hindi niya napigilan na ubuhin at singhutin. “Hanggang anong oras siya d’yan?”
“Hanggang mamayang gabi pa po. K-kasama niya po si Ms. Jewel.”
Tinamaan ng mensahe nito ang pinakagitna ng kanyang dibdib. Para na rin nitong sinabi na makakaistorbo siya sa mga ito kung pupuntahan niya ang mga ito. Nag-unahan na lang ang kanyang mga luha sa pagbagsak. Pinunasan niya ang kanyang pisngi.
“M-Ma’am Laiza, mabuti pa na huwag na muna kayong magpunta rito sa opisina. Mas maganda kung magpahinga na lang po kayo d’yan sa bahay. Naririnig ko pa ang sipon at pag-ubo n’yo.”
“Sige… Salamat!” Pinindot niya ang end button at saka napatingin sa labas.
Nalungkot siya dahil seryoso talaga si Trevor na palitan siya.