Chapter 2
Pinag masdan ni Mommy si Daddy at Kuya Quentin na parehas na nag hahanap pa rin ng maisusuot na damit, kaya naman isinandal ko muna ang aking likod sa malambot na couch at pag katapos ay dinukot ko sa aking shoulder bag ang earbud ko at cellphone para tawagan si Kuya Grayson at ibalita sa kanya ang tungkol sa Anniversary ni Mommy at Daddy itong darating na buwan. Pero nakaka ilang tawag na ako ay hindi pa rin ito sumasagot kaya naman pinindot ko nalang ang end call at inisip na baka tulog na ito dahil mag kaiba ang oras namin, tanghali palang dito sa amin at sa kanya naman ay gabi na. Naalala ko nalang ng ibalik ko ang earbud at cellphone ko sa loob ng shoulder bag ko na naghuhubad na nga pala ito ng kurbata si Kuya Grayson ng mag kausap kami kanina sa malamang tulog na nga ito sa ganitong oras kasi kung gising pa 'yon sasagotin naman agad niya ang mga tawag ko, sabi ko nalang sa aking isip.
Hanggang sa mapansin ko na itinaas ni Daddy ang kanyang kanang kamay at tinawag ang isang Staff ng botique shop na agad namang lumapit kay Daddy para ma-assist ito. "Do you have a stock for this kind of suits?" I heard Dad say to staff, at agad namang kinuha ng babae ang magazine para makita ang tinuro ni Daddy. "Yes Sir, just give me a moment and I will find a new stock that suitable for your body." Sabi ng staff kay Daddy, at marahan na tumalikod ito sa amin para hanapin ang formal suits sa stock room nila na itinuro ni Daddy sa magazine hindi pa nakaka layo ang babae ay tinawag narin ito ni Kuya Quentin at tinuro din ang gusto nitong suotin. Na agad namang tumango ang babae at nag tungo na sa stock room nila. At pag balik ng babae ay hawak hawak na nito ang dalawang box na naka paloob dito ang tig isang pares na damit para kay Daddy at Kuya Quentin na agad naman nilang binuksan para makita ang kabuuhan nito. Nakita kong binigyan din sila ng staff ng tig isang paper bag hanggang sa matapos kami sa shop.
When we got home, I immediately went to my room and sat on the edge of my bed. At pag katapos ay inilapag ko sa aking tabi ang aking shoulder bag at napatingin ako sa labas ng aking bintana, napansin ko na halos padilim narin pala ng makauwi kami ng bahay. Marahan kong inihiga ang aking pagod na katawan sa malambot kong higaan at ipinikit ang aking mga mata. Ilang minuto palang na naka pikit ang aking mga mata ng biglang tumunog ang cellphone ko. Marahan ko naman iminulat ang aking mga mata at tumingin sa aking kamay para makita ang oras 6:45 na ng hapon. And i guessed who was calling me at this hour. Na agad kong kinuha ang bag sa aking tabi at dinukot ang cellphone ko para sagotin ang video call ni Kuya Grayson.
"Hi! What are you doing my little princess?" he said happily, We talk almost every day on video call that's why I know he will call me when he doesn't answer my call. And he never forgot to call me even though he was busy with his work all day. "I was just taking a nap in bed and I heard you calling on my phone." I said softly, humikab pa ako ng bahagya habang kausap ito at pag katapos ay nag unat-unat pa ako ng aking katawan sa higaan at tamad paring bumangon. "Did I disturb you?" he asked softly, na agad naman akong umiling sa harapan ng camera at ngumiti sa kanya. "Good, and how's your day?" Sunod na tanong nito sa akin na agad ko naman ikinuwento ang mga mga pinuntahan namin at ang kinainan naming restaurant.
Marami din kaming magagandang pinag usapan at masyadong mahaba narin ang oras na nasayang namin. Hanggang sa dumapa na ako sa aking higaan at tanungin ito ng seryoso. "Kuya, kelan mo ba balak dumalaw dito sa bahay?" I asked him, "Ang tagal mo na kasing hindi umuuwi dito simula 'nong atakihin ka ng sakit sa puso at ipa gamot ni Daddy sa ibang bansa." Sunod na sabi ko sa kanya, nakita ko naman na nag iba ang expression ng mukha nito at naging seryoso ng makita niyang malungkot kong mukha. "Uhm.. Kurdisha I think.. this is not the right time to talk about that." Pag iiba nito ng usapan, kaya naman huminga ako ng malalim. "Okay!" I told him sadly, na agad naman siyang ngumiti sa harapan ng camera. "I need to leave now and go to my work, let's talk again later." he said in hurry. "Bye, for now!" pahabol na sabi pa nito at kumaway pa sa akin bago nito pindutin ang end call ng cellphone niya.
Wala na akong nagawa ng tapusin na niya ang pag uusap namin, kaya naman minabuti ko nalang na bumangon ng higaan at bumaba ng hagdan bitbit-bitbit ang aking cellphone at nag tungo sa kusina. Nakita ko naman sila Daddy at Mommy sa kusina na halos patapos na itong kumain. "Hija, maupo ka na at kumain." Mom said, at hinila pa nito ang upuan para maka upo ako at pag katapos ay marahan na pinagpag pa ang upuan. Ngumiti naman ako at lumapit sa upuan na hinila ni Mommy at naupo doon. "Hindi na kita pina gising kay Manang sa kwarto mo para sumabay sa dinner, dahil alam kong napagod ka sa byahe at pamamasyal kanina." Sunod na sabi ni Mommy sa akin at agad kong inilapag sa gilid ng plato ang cellphone ko bago tumingin kay Mommy at nag salita. "Okay lang po Mommy!" I said softly, at nag simula na itong tumayo sa kina uupuan. Narinig ko pa na tinawag ni Mommy si Manang para iligpit ang plato na ginamit nilang dalawa ni Daddy. Agad naman akong tinapik ni Daddy sa balikat ng makatayo na ito sa upuan at para maka pag pahinga narin sila sa kanilang silid. Tumango lang ako sa kanila ni Mommy dahil alam kong tapos narin itong kumain. Saka naman ako nag sandok ng pagkain at inilagay sa aking plato.
Habang kumakain ako ay naisipan ko na rin tumingin sa mga online shop sa cellphone ko para maka hanap na rin ako ng magandang damit na masusuot sa Anniversary nila Mommy at Daddy itong darating na buwan, ilang beses pa akong nag scroll sa mga online shop at nag palipat lipat ng mga online store makakita lang ng magandang damit na magugustohan ko at babagay sa katawan ko. Hanggang sa makita ko ang isang citro cocktail dress na kulay blue at may mga silver bids sa damit kaya kapag titignan siya ng mabuti ay parang mga diamond na kumikinang at hindi ito lalagpas sa tuhod ang haba ng laylayan nito. At ang likod naman ng laylayan nito ay mahaba at off shoulder siya kaya kitang kita ang mag kabilaang balikat ko.
Agad ko na itong inilagay sa add to cart at inorder, nang matapos na ako ay muli kong itinabi ang cellphone ko sa gilid ng aking plato at muling pinag patuloy ang naudlot na pagkain hanggang sa matapos ako at tulongan si Manang para iligpit ang lamesa at ilagay sa sink ang mga plato na nagamit. At pag katapos ay nag tungo muna ako sa living room at naupo doon para manuod ng latest movie sandali habang nag papatunaw ng kinain sa tiyan..
Kinabukasan maaga akong gumising para mag jogging at para mag exercise narin sa park, my main intention is to increase physical fitness with less stress on the body. Medyo tumataba nanaman kasi ako at lumalaki na yung bilbil ko lalo na kapag walang ginagawa sa bahay at walang pasok sa school. Nag jogging ako for almost 1 hour beacuse i know this is the great way to maintain my physical fitness and also to improve my cardiovascular health. Yun din kasi ang turo sa akin ni Kuya Grayson para maging healthy ako at hindi sakitin. Hingal ako na napa hinto sa daan kaya naman naisipan kong mag selfie muna at i-post sa my day ko at pag katapos ay nag lakad lakad ng kaunti para mag hanap ng mauupuan saglit. Ilang minuto ko palang naipo-post ang picture ko sa my day ko ng makita kong nag pop-up sa notification ko ang pangalan ni Kuya Grayson na agad ko namang binuksan ang comment nito sa post ko. "Wow!! Getting ready for big event this coming month?" Grayson said in the comment, na agad ko namang nereplyan ito sa comment ng post ko. "Of course yes! malay mo naman Kuya doon ko makilala yung prince charming ng buhay ko diba?" Agad na sabi ko sa comment at sinabayan ko pa ito ng tawa habang nag lalakad hanggang sa maka kita ako ng malaking bato at doon muna naupo.
Ilang minuto lang ay nag reply kaagad ito sa aking comment kaya naman nag madali akong tignan ulit ang comment nito sa post ko. "Damn it! And I will never allow my little princess to be taken from me. Hmmp!" He said in the comment, at parang bata na nag tatampo. Agad ko naman itong nereplayan. "Hindi ka papayag? But how can you stop it if have someone want's to court me? Remember, you're not here! Hahaha," I reply in the comment, ilang minuto pa akong nag hintay sa susunod na comment niya para bardagulin ito sa mga sinasabi niya pero hindi na ito nag comment pa. Kaya naman tumayo na ako sa bato na aking kina uupuan at nag simula ng mag lakad pauwi ng bahay.
Pag dating ko sa bahay ay agad akong nag tungo sa aking kwarto at kinuha ko ang towel na naka sampay sa gilid ng pinto ng bathroom ko at isinampay sa aking balikat. Agad ko naman ipinatong ang cellphone ko sa side table ng bathroom at pag katapos ay agad kong ipinunas ang towel na nasa balikat ko sa pawisin kong mukha hanggang leeg at likod ko. Nag simula narin akong hubarin ang damit kong pantaas dahil basang basa ito ng pawis at inihagis ko ito sa basket at pag katapos ay isinunod ko naman ang aking jogging pants at ang panloob ko sa itaas at ibaba inilagay ko rin iyon sa basket na puro labahan at nag simula na akong pumasok sa loob para mag linis ng katawan. Nang matapos na akong maligo ay agad kong tinignan ang cellphone ko na naka patong sa side table ng bathroom kung merong message o kaya naman notification sa comment pero wala parin. Kaya naman minabuti ko nalang lumabas ng banyo dala dala ang cellphone at inilagay sa higaan at nag bihis na ng pambahay.
Nasa harapan ako ng vanity table at tinitignan ang sarili habang nag susuklay ng basang buhok ng biglang tumunog ang cellphone ko, kaya naman napa hinto ako sa pag susuklay at agad na tinignan ang tumatawag. Agad ko namang sinagot ang tawag ni Kuya Grayson at inilagay ang cellphone sa harapan ng vanity para naman makita ko habang nag susuklay ako ng buhok. Nakita ko itong naka upo sa swivel chair niya at nasa loob parin ng opisina niya at naka suot lang ito ng T-shirt na white na pinatungan lang ng coat para mag mukhang desente. "Hi, good morning my little princess!" Masayang bati nito sa akin habang nag susuklay parin ako ng buhok, ngumiti naman ako dito bago mag salita. "Good evening naman sayo noh!" Sabi ko naman sa kanya na naka nguso pa na agad naman niyang ikina tawa iyon, "Why is my princess frowning? Huh?" He said while laughing. "Wala naman." Mahinang sagot ko sakanya na may halong pag tatampo, dahil alam kong malaki na ako pero ayaw parin nila akong payagan na mag ka boyfriend parehas silang dalawa ni Kuya Quentin masyadong over protective pag dating sa akin nakaka inis sabi ko nalang sa isip ko at inihinto ko ang pag susuklay ng aking basang buhok.
"Uhm okay, let me guess? Dahil ba hindi ako makakauwi sa anniversary ni Mommy at Daddy?" He said softly, at agad naman akong nag isip kung 'yon ba ang dahilan o ang pag bo-boyfriend ko na ayaw nilang pahintulutan. Umiling lang ako dito at ngumiti sa harapan ng camera habang kausap ito.