Sabay ng aming pag-awit muli ang lahat ay natahimik o kay gandang pagmasdan ng imaheng nasa aking harapan sana di na matapos pa ang tanawing nasisilayan ng aking mga mata, nakakapanabik ang mga sandali habang sya'y nasa aking piling tila ba ang puso ko'y nahuhumaling o giliw ko nawa'y makamit and matamis mong oo at sa aking pag-awit ngiti mo ang nasisilayan ko maningning mong mga mata tila na nakakasilaw sa ganda labi mong mapula parang rosas na bulaklak simoy ng hangin na dumampi sakin hatid nito'y halimuyak mo o giliw ako ay nahuhulog sayo sana'y huwag saktan ang aking puso tapat ang damdamin kong ito kailan may hindi magbabago, dito ka lamang sa aking tabi huwag ng umalis pa sa aking piling ika'y aking iniibig ikaw ang tanging pipiliin huwag kang mag-alinlangan sa puso ko'y ikaw lamang aking iibigin ka hanggang ang buhok nati'y pumuti na, mga balat natin ay kumulubot man ang pagtingin ko sayo's di mag-iiba sapagkat sa puso ko ika'y nag-iisa sana'y di na matapos pa pagkat ikaw lamang ang nais sa tuwina wala na kong mahihiling pa ikaw at ikaw lang ang pipiliin sa tuwina, tunay itong aking pag-ibig sinta, ikaw lamang ang sinisinta magbago man ang ihip ng hangin bagyo man ang dumating walang ibang makapipigil sakin ikaw at ikaw lamang ang pipiliin huwag kang mag-alinlangan pa pag-ibig ko'y nakatali sayo sinta, di ito magbabago pag-ibig ko sayo'y totoo, ikaw lamang ang tinitibok ng puso ang puso ko ay sa iyo, o kay sarap umibig lalo na pag ikaw ang pipiliin sa hirap o ginhawa man sinta di magmamaliw sa tuwi- tuwina kay sarap palang umibig lalo na pag ikaw kaya naman di na magbabago pagtingin ko sayo basta huwag ka lang mawawala sa piling ko ako'y laging kontento di na maghahanap pa ng iba ikaw lang sapat na