ALES POV
'Saturday na.. ang bilis nang araw.. debut ko na .. This is my day!! wuhooo.. kagigising ko lang.. naghilamos at nagtoothbrush na ako.. pagbaba ko sa kusina..
"Goodmorning princess" bati ni mom and dad..
"Goodmorning din po!" masaya kong bati sa kanila
"HAPPY BIRTHDAY!!! princess" bati ni kuya.. nandito siya para sa party mamayang gabi..
"Thank you kuya.. Where's my gift kuya ? ^3^" tanong ko sa kanya..
"hahaha.. syempre meron akong gift sayo.. but ask mom and dad first kung ano ang gift nila sayo *wink* " woah ..
"Mom? Dad? where's my gift?" excited na tanong ko sa kanila..
"Later princess.. papakita namin sayo.. kumain muna tayo nang breakfast" sabi ni Mom
'Sumunod naman na kami ni kuya, habang kumakain kami.. di mawawala ang kwentuhan..'
"Anak.. nasa legal age kana.. parang melan lang nung uhugin ka pa" panloloko ni Dad
"DAD!! ^3^ ayaw mo nun... nakikita mong lumalaki na ako.. means tumatanda kana din"
"haha.. yun na nga eh! Malaki na ang prinsesa namin.. marami na din ang nagbago sayo.. I'm so thankful at maayos ka naming napalaki" sabi ulit ni dad
"Mas thankful ako dad.. kase hindi niyo ako pinababayaan"
"Hay.. tama na nga yang drama niyo.. ituloy niyo na yang pagkain niyo.. para makita mo na yung gift namin sayo anak.." sabat naman ni mom
*chomp..choomp*
'tapos na kaming kumain.. then ipapakita na nila sakin yung gift ko"
"before we let you see our gift.. close your eyes muna anak" sabi ni dad.. then i close my eyes naman..
*lakad..
*lakad..
*lakad..
"We're here princess.. now open your eyes" sabi ni dad.. unti-unti ko namang minulat ang mata ko.. WOW *___* as in WOOOOOOOW!! isang LAMBORGHINI VENENO ROADSTER ang tumambad sakin.. with my favorite color RED with the touch of black.. grabe isa ito sa pinaka mahal na kotse sa buong mundo ah? $4.5M to.. waah ang mahal neto ^3^ ayoko na icompute..
"Don't you like it princess?" malungkot na tanong ni Dad..
"No dad!! Actually I really love it.. pero ang mahal nito di ba naubos pera natin sa company pambili nito?" tanong ko kay Dad..
"Ask your Mom.. siya ang nagsabing yan ang iregalo sayo eh!" sabay baling ko naman kay Mommy..
"Eh kase anak.. diba sa Almost 17 years of existence mo wala pa akong gift sayo.. actually inipon ko talaga yung dapat pambili nang mga gifts mo this past years.. gusto kong ibigay sa pinakaimportanteng araw sayo.. Actually 3/4 nang pinambili diyan is galing sakin then yung 1/4 galing sa daddy mo.. HAPPY BIRTHDAY ANAK! I'm really sorry sa lahat mga birthdays mo na di kita naregaluhan.." lumuluhang sabi ni Mom..
"Mommy.. okay na po yun! wala na po yun sakin saka di naman importante ang regalo Mommy, yung makita ko lang kayong masaya and healthy? malaking regalo na yun sakin, wala tong kwenta Mom kung wala kayo sa tabi ko.. Thank you very much Mom.. Thank you too Daddy, kuya.. I LOVE YOU!!" sabay group hug ko sa kanila..
"We love you too princess" sabi naman ni kuya..
'Hay.. wala na akong mahihiling pa.. pinagkalooban ako nang ganitong klaseng pamilya!!
"Oh siya anak.. maghanda kana..punta tayong Mall para bumili nang Gown mo.. at para magpasalon na din.. Para pareho tayong maganda mamaya sa Debut Party mo.."
'Nagtungo na kami sa loob nang bahay.. ano kayang mangyayari sa Debut party ko mamayang gabi? I'M SO EXCITED NA!!'
SOMEONE POV
'We're heading to a party with my parents.. ang laki namang abala to sakin.. tss sana nagbar nalang ako kasama nang mga barkada ko kaso mapilit si Mom.. sumama daw ako! Ganun ba kaimportante yung okasyon na yun?'
*krriiiing* *krriiiing*
'Hay sino na naman kaya tong istorbo na to..
"Hello?" I answer the call without looking who's calling
"Hello..? Busy ka ba ? pwede mo ba akong samahan sa party na pupuntahan ko?" Tanong nito
"I have a party to attend to.. sorry I can't !" walang gana kong sagot dito.. tss bakit ba kase ang kulit nito.. di ko na nga pinapansin pinipilit parin ang sarili.. hay bahala na nga, ang problema ko ngayon kung paano ako makakatakas sa party na pipuntahan ko..'
-----------------------------------------------------------------------
ALES POV
'Nandito ako sa room ko ngayon.. katatapos lang nila akong ayusan nang mga make-up artist ni Mom.. I'm wearing a Bloody Red tube na above the knee.. I'm looking at my self nung biglang pumasok si Mommy'
"You're beautiful princess..! Compliment ni Mom"
"Kanino pa ba ako magmamana Mom? Syempre maganda ka at gwapo naman si Dad.. Minana ko lang sa inyo ang itsura ko"
"haha.. oh siya.. maghanda kana malapit nang magstart ang party mo.. marami na rin ang mga bisita sa baba" sabi ni Mom..
"okay po Mommy.." Nagpaalam na si Mom na lumabas.. pumasok naman si kuya sa kwarto, siya kase ang escort ko..
"You grow such a fine and lovely lady princess.. pero para sakin ikaw parin ang baby namin" natawa naman ako sa bolerong kapatid ko
"Dapat lang naman na ako lang ang baby niyo kuya no?.. basta kahit magkagirlfriend kana o kahit mag-asawa kana.. ako parin ang princess mo ha?"
"Masyado namang advance ang utak nang lil sister ko.. pero for your assurance.. Ikaw at ikaw parin ang prinsesa ko.. kahit magkagirlfriend ako at kahit magkaasawa na ako *sabay pinch nang cheeks ko* "
"Hehe.. good kuya.. okay na yung nagkakaintindihan tayo" natawa nalang kami ni kuya sa usapan namin..
'Makalipas ang 15 minutes tinawag na kami magsisimula na daw kase ang party.. medyo kinakabahan ako.. ngayon lang kase ako nagkaparty sa tala nang buhay ko.. Ayaw ko kase magcelebrate nang bongga nun..'
"Don't worry sis.. you're beautiful.. *sabay pisil nang kamay ko na sobrang lamig dahil sa kaba*" Nginitian ko nalang si kuya..
"Ladies and Gentlemen I would like to present to you, our debutant, and the heiress of Belmonte Group of Companies.. Miss ALESSANDRA BELMONTE with her brother IVAN DAVE BELMONTE.. Let's give them around of applause" sabi nung MC..
'Bumaba kami sa hagdan.. kasabay nang masigabo nilang palakpakan.. Woah grabe ang daming bisita.. may mga kumukuha nang pictures kahit saan.. kaya hindi mawala ang ngiti sa labi ko'
"Come here princess.. ipapakilala kita sa mga amiga ko.." tawag sakin ni Mom
'Sumama naman ako sa Mommy ko"
'Pero pagkarating namin sa table nang mga kaibigan ni Mom.. may lalaking natulala na ata sakin.. nakakailang..'
"Mga amigas..ito na ang Prinsesa ko.. say hi to them anak" sabi ni Mom
"Ah hello po goodevening.. salamat po sa pagdalo sa party ko" magalang na bati ko sa kanila..
"Amiga.. ipakilala mo naman yang anak mo sa anak ko.." sabi nang isang amiga ni Mommy..
"Anak.. magpakilala ka!" sabay siko nito sa anak niya.. waaah! yung lalaking tingin nang tingin sakin yung tinatawag niya.. MAMEEEH r**e!
(A: O.A mo naman Ales.. tinitignan ka lang r**e na agad?)
Bakit ba kase otor..trip ko eh!!tsss
"Ah Hi! Jeriel Ford Smith is my name.. and you are?" nabalik ako sa realidad nung nagsalita siya..
"Hello.. Alessandra is my name :) just call me Ales for short" sabay nagaalangang ngiti ko sa kanya..pinakilala na nga ako kanina di ba to nakikinig? tssss
"I need your attention ladies and gentlemen.. may I call on our Debutant to go to your chair" nagpunta na ako sa gitna kung saan nandun yung upuan ko..
"And now may I call again the father of our debutant Mr. Edward Belmonte..for the father and daughter dance" sabi ulit nang MC nakita ko nang papalapit si Dad sa pwesto ko.. gwapo talaga ni Daddy..
"May I dance with you my princess?" tanong ni Daddy..
"Of course daddy!!" Nakangiti kong sabi sa kanya.. nagsimula na kaming sumayaw ni Dad
I'M YOUR ANGEL by : Celine Dion
"No Mountains too high, for you to climb..
All you have to do is have some climbing faith,oh yeah
No rivers too wide, for you to make it across..
All you have to do is believe it when you pray"
'naalala ko nung bata pa ako.. si Daddy lagi ang nag-tuturo sakin.. si Daddy nagiging hero ko kapag may nang-aaway sakin.. Si Dad na laging nasa tabi ko at di ako pinababayaan..'
"And then you will see, the morning will come
And everyday will be bright as the sun
All your fears cast them on me
I just want you to see...
'kapag natatakot ako sa gabi.. nandiyan siya para pagaanin ang loob ko.. nandiyan siya para bantayan ako.. kahit mapuyat siya basta makita lang na panatag na ang kalooban ko.. HE'S REALLY MY ANGEL..
"I'll be your cloud up in the sky
I'll be your shoulder when you cry
I'll hear your voices when you call me
I am your angel..
And when all hope is gone, I'm here
No matter how far you are, I'm near
It makes no difference who you are
I am your angel..I'm your angel
'Natapos na ang sayaw namin ni Dad.. Start na nang 18th Roses ko.. si kuya ang first dance ko sa Roses..natapos na ang 2nd, 3rd,4th,5th,6th,7th,8th,9th,10th,11th,12th,13th,14th..
15th dance ko si Riven..
"You're beautiful Ales.." narinig kong sabi niya.. at parang may paru-paru namang lumilipad sa tiya ko nung narinig ko yung sabi niya..
"Thank you.. " yun nalang ang nasabi ko..
'Natapos na ang sayaw ko with Riven.. at ang huli? Yung lalaking nakilala ko kanina.. Jeriel? yun ata ang pangalan..
"Last rose for you Sandra.." sandra? san naman niya napulot yung pangalan na yun? tss
"Excuse me? Ales is my name.. not Sandra " pagtataray ko dito.. palitan ba naman ang oh so precious name ko -___-
"A find it unique when I call you Sandra, rather than Ales.. masyadong marami na ang tumatawag sayo nun eh.. and for now on.. I'm the only person who have the right to call you by that name.. okay?" tsss di mo naman ako pagmamay-ari may pa right.. right ka pang nalalaman! ugghh!
"Whatever.."
'Nagsasayaw na kami nang lalaking to.. nabwibwisit na ako.. tss papatapusin pa ata ang buong kanta.. ano to? Yung iba kalahati lang tapos na.. tas itong isang to buong kanta? Unfair naman lalo na kay Riven huhu ^0^'
Now playing: "TAKE ME AWAY by LIFEHOUSE"
~FAST FORWARD~
'Hay.. 2 am na .. katatapos palang nang party ko!! Pagod na pagod na pagod na ako.. ang saya ko ngayon hihi.. maliban nalang dun sa pagepal nung Jeriel na yun ang kulit eh .. Pero masaya talaga ako !! SOBRA!! This is one of the most unforgettable moment happened in my life MY DEBUT PARTY matutulog na ako'
Zzzzz'
~KINAUMAGAHAN~
ALES POV
'Late na akong nagising dahil sa puyat kagabi.. Sunday na ngayon at bukas may pasok na ulit.. Hmm what if magpturo akong magdrive ng kotse kay kuya? Kaso baka busy na naman yun eh -__- aha! Maglalakad-lakad nalang muna ako..
*Lakad..
*Lkad..
*Lakad..
'Hanggang sa nakarating ako sa na sadya ko talaga ang Park medyo malayo na to sa bahay .. hay ang saya naman dito.. It reminds me something..
~FLASHBACK~
'Nandito ako sa park ngayon.. dito lang kase gumagaan ang loob ko laloo na sa mga panahon na pinapagalitan ako ni Mom.. at ngayon nandito na naman ako di dahil sa nagalit si Mom sakin.. kundi dahil aalis si Daddy dahil sa isang bussiness tour..'
"Bakit ba kase aalis kana naman Dad.. huhu wala na naman akong kasama" bulong ko sa sarili ko habang nakaupo sa isang swing dito.. nang biglang may nagsalita sa likod ko..
"Importante lang siguro yung pupuntahan nang Daddy mo .. Hindi naman kase porque umalis sila iiwan na nila tayo.." sulpot nang isang batang kasing edad ko din ata pero nakasuot nang makapal na glasses at may brace..
"Kapag wala kase ang Daddy ko parang wala akong kasama sa bahay.. even though nandun si Mom.. di naman niya ako napapansin" pagoopen ko dito.. parang magaan ang loob ko na may nakikinig sa problema ko..
"Kung ganun ang nararamdaman mo na parang walang nakakapansin sayo.. pumunta ka lang dito, lagi din naman akong nandito kase wala naman akong kaibigan.. wala kaseng gustong lumapit sakin"mahabang saad niya.. kawawa naman siya..
"Magkaibigan na tayo diba?" masiglang tanong ko dito..
"Ah.. eh! Gusto mo ba talaga akong maging kaibigan?"nagaalangang tanong niya sakin..
"Yep.. mabait ka naman eh.. saka pinagaan mo naman ang loob ko ngayon.. so Friends na tayo ha? *sabay abot nang kamay* "
"Friends.." sabi naman niya habang nagsheshake hands kami..
"Teka ano pala ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya..
"Jeriel ang pangalan ko.. " sagot naman niya
"Ako naman si Alessandra.. Eriel nalang ang tawagnko sayo ha?" tanong ko sa kanya
"Sure.. Sandra nalang din ang tawag ko sayo ha?"
"Okay.."
'Naging madalas na ang pagpunta ko dito sa park.. at lagi kaming nagkikita ni Eriel , naglalaro kami na parang wala nang bukas.. hanggang sa madalang na ang papunta niya, at tuluyan nang di na siya nagpakita sakin.'
~END OF FLASHBACK~
'Hay naalala ko na naman yung childhood friend ko dito sa Park.. asan na kaya siya? Kumusta na kaya siya? Naaalala pa kaya niya ako? Nakakalungkot isipin .. siya kase ang naging First Love ko.. hihi kahit bata pa ako noon..naalala ko lang kase siya nung tinawag akong Sandra nung Jeriel Smith na yun!! Wait... Jeriel??? Di kaya siya yun? Tss di naman siguro baka mas pogi na si Eriel kesa doon.. panget kase yun! PANGET!! >_JERIEL POV
'Nandito ako ngayon sa Park kung saan nakikita ko si Sandra.. Siya ang una kong naging kaibigan.. siya ang unang tumanggap sakin.. kaya nung nakita ko siya kagabi di ko maiwasang di mapatingin sa kanya.. kaso ang masakit bakit hindi na niya ako makilala? Dahil ba sa iba na ang itsura ko? Siguro nga.. di na kase ako nakapagpaalam nung umalis kami papuntang US sa kanya.. hay.. Sandra miss na kita.. '
"CHILDHOOD FRIEND"