CHAPTER 13 (Who’s the culprit?)

1640 Words
KENDRA Ang masasabi ko lang... Kumalma ka, Kendra. "Serene, I'll give you a minute to explain," seryosong saad ko pagkatapos ng event. Hindi ko pinahalata ang pagkadesmaya sa kanya. Siya agad ang pinuntahan ko dahil alam kong siya ang may alam sa flow ng program. "I'm really sorry, Kendra. Hindi ko rin alam," mangiyak-ngiyak niyang sabi. Bigla namang gusto kong mangigil, hindi ko alam kung bakit. Okay naman ang flow ng program kanina, pero hindi ko inaasahan kung bakit sa bandang huli pa nagkaroon ng problema. "One thing is for sure, hundred percent tama ang ibinigay kong script sa kanila." Mariin na lang akong napikit dahil sa sinabi niya. Naniniwala naman ako sa kanya, pero hindi ko talaga alam kung sino ang may pakana at sino ang sisisihin. Are they really sabotaging me? Naging successful naman ang event, pero hindi ko alam; baka ako lang ang pinunterya nila at gusto nilang makita kung papalpak talaga ako. Masyado na akong nag-o-overthink. Hindi niyo ako masisisi. Kapag nalaman ko talaga kung sino ang may pakana nito, hindi ko siya mapapatawad. Tama na ang hinala ko kanina nang pinatawag ako sa stage. Alam kong may mali, pero inalis ko iyon sa isip ko dahil nagtiwala ako. Ayokong lalo pang mapahiya, lalo na nang dumating si Head Master para manood. "Where's the item that I brought?" "Hindi rin namin alam kung nasaan o kung sino ang kumuha. But I was so sure na nandoon pa iyon bago ang event. We checked all the items, including yours. I'm really sorry, Kendra. Hindi ko nagampanan ang role ko." Halatang naiiyak na ito. Napairap na lang ako dahil wala akong mapapala kung lalo ko siyang sisisihin. Ibig sabihin ba nito na may nanabotahe sa event namin? Pero sino naman? Sigurado akong wala naman kaming kaaway. Alam naming kinaiinisan ng ibang section ang sa amin, pero hindi naman siguro aabot sa puntong kailangan nila kaming ipahiya. "Nasaan sina Riego at Hezron?" Alam kong sila ang pinagbantay ko sa mga items. Sa tingin ko may kinalaman sila rito dahil naalala kong si Riego ang nakasama sa bidding kanina. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon. "Saglit, tatawagin ko sila. Sa pagkakaalam ko tumutulong sila kanina sa pagbubuhat ng mga ginamit natin." Umalis siya saglit at bumalik kasama si Riego. Nakangiti pa itong lumapit sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya at kung bakit niya ginawa iyon. Huwag mong sabihing nilalaro lang nila ang event na ito. Naalala ko na naman tuloy ang nangyaring bidding. Nanliit ako sa sarili ko kanina feeling ko para akong bagay na benebenta nila sa kung saan. Feeling ko natapakan ang pagkatao ko. Wala akong magawa dahil lalong ayokong masira ang event na ako mismo ang nagplano. Bakit ko ba iniisip ang mga ganito? "Pinatawag mo ako, Pres?" Nabigla ako nang hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala siya. Nandoon pa rin ang nakakainis niyang ngiti. "Magtapat ka nga sa akin, bakit niyo sinabotahe ang sarili nating event?" seryoso kong saad. Biglang nawala ang ngiti niya. "Ano bang sinasabi mo? Successful naman ang nangyari, ah." "Successful ang tawag ninyo doon? Mukhang pinagkakatuwaan ninyo ako at gusto ninyo akong mapahiya sa lahat. Ginawa ninyo pa akong tanga sa harap ng maraming tao. Masaya na kayo sa nangyari? You think palalampasin ko ito? Sino ang nagpasimuno nito?" Tuloy-tuloy na akusa ko kahit wala akong proweba. Nabigla at napahinto ang iba sa kanilang ginagawa dahil sa galit na ibinuhos ko sa kanya. Ito ang ayoko sa sarili ko isa sa bad habit ko ay hindi ko kayang maging kumalma kapag ganitong mga usapan dahil hindi ko nakokontrol ang galit ko. "I'm sorry if that's what you feel. Hindi ko rin alam. Napag-utusan lang akong sumama sa bidding at ikaw ang pipiliin." "What!? I don't understand." So, planado rin pala. Huh. "Mas mabuti pang mag-usap na lang kayo ni Knox." "May kinalaman rin siya dito?" hindi makapaniwalang tanong ko. Alam kong malaki ang galit niya sa akin, pero hindi ko inakalang aabot sa ganitong punto. Kaya pala wala siya kanina dahil siya ang may pakana nito at gusto niya akong bumagsak. Pero ang pinagtataka ko.. "Then why did you bid for me?" "Sabi ko nga, napag-utusan lang ako. Hindi ko pera ang ginamit ko sa bidding. Kung may tanong ka, si Knox na lang ang kausapin mo. Siya ang nakakaalam ng lahat. Bakit ba wala ang siraulong iyon dito para mag-explain? Pati ako napapahamak."Napakamot lang ito sa kanyang batok. "Kaninong pera ang ginamit mo kanina? Huwag mong sabihin na peke lang ang palabas ninyo?" Malay ko ba kung totoo iyon o palabas lang nila na may ganoong halaga ang kanilang pera. Pero humanda talaga sila kapag nalaman kong eksena lang iyon. Sila ang sisingilin ko ng ganoong halaga. Naka-audit pa naman iyon at nakita na ng lahat ng tao. "Sabi ko nga, si Knox ang kausapin mo." Isa ring walang kuwentang kausap. "So saan ko hahanapin ang hayop na iyon ngayon?" "Relax ka lang, Miss Pres. Nandiyan lang iyon sa paligid. Mauna na ako. Mukhang nasabi ko na ang lahat ng sasabihin ko." Napairap na lang ako at pinaalis dahil wala naman akong makukuhang matinong sagot sa kanya. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa kanya dahil sa pagtataas ko ng boses, pero naiinis din ako sa kanya. "Miss Pres, pinapatawag po kayo ni Head Master. Mukhang may meeting kayong mga president," hingal na sabi ni Samantha nang makalapit siya sa akin. Tumango ako at nagpasalamat sa kanya. Nawala tuloy ang atensyon ko sa problema ko kanina. Hindi pa kami tapos nang lalaking yun pasalamat siya ngayon. Kailangan kong harapin si Head Master. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-isip ng kung ano. Hindi kaya tungkol ito sa nangyari kanina? Nalaman kaya nilang peke lang lahat ng pinakita namin. Haist. Bakit ganito ba akong mag-isip. "Serene, ikaw na ang bahala dito para tapusin ang lahat. Kaya mo ba?" "Walang problema. Nandito naman sina Nyx—magtutulong-tulong na kami." "Salamat. Mauna na ako." Kinuha ko na rin ang lahat ng gamit ko dahil sa tingin ko magtatagal ang meeting na sinasabi ni Sam. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang office ni Head Master dahil dito rin ako pumunta noong first day ko rito. Nakita ko ang mukhang secretary niya, kaya tumayo ito mula sa kinauupuan niya. "Nasa conference room na silang lahat." Sabi ng secretary habang itinuturo ang isang pinto, iyon din ang pinanggalingan ni Head Master noong nagkita kami dati. Conference room pala iyon. Dahan-dahan ko itong itinulak dahil medyo mabigat ang pinto. At tama nga ang sinabi ng secretary dahil mukhang ako na lang ang hinihintay. Lahat ng mata ay napunta sa akin, kasama roon si Head Master na nasa pinakagitna sa harap. Mukhang nagsimula na sila. "You may take your seat, Ms. Del Verra." Naghanap ako ng mauupuan, pero mukhang puno na ang lahat. Lalabas na sana ako para humingi ng upuan sa secretary nang may dalawang lalaking tumayo at nag-alok ng kani-kaniyang upuan. "You can take my seat," sabay nilang sabi. Nakilala ko ang isa sa kanila. Naalala ko siya noong entrance exam—kung hindi ako nagkakamali, ang pangalan niya ay Dalton. Pero ang isa ay hindi pamilyar, kahit alam kong president siya ng Cream Section. Dahil mas malapit ang taga-Cream Section, sa kanya na lang ako lumapit. "Thanks," Maikli kong sabi. Ngumiti lang siya, kaya nakita ko kung paano lumubog ang dimples sa magkabilang niyang pisngi. In fairness, he's not that bad. Lumabas siya para kumuha ng upuan at nang makabalik ay sa tabi ko siya umupo. Nagpatuloy si Head Master sa pagsasalita. "Again, congratulations on your successful events individually. We assure you that all the funds you raise will be personally donated to our chosen charities. Hindi namin pakikialaman kung paano ninyo ibibigay ang nalikom ninyo—cash man, gamit, o pagkain. Nasa inyo kung paano ninyo ito i-manage. Sasamahan lang namin kayo sa pag-abot nito sa kanila." "Each of your groups will receive chosen charities from me. Ang pinakamalaking nalikom ang siyang makakatanggap ng dalawang charities na tutulungan." "So we have two leading groups on our chart: the Cream Section from Grade 11 and the Black Section from Grade 11 as well." "Ahm, Head Master, kasama rin po namin ang Black Section ng Grade 12." Biglang sabat ko. Alam kong hindi naman talaga sila kasama sa ideya, pero hindi ko naman puwedeng hindi kilalanin ang tulong nila. "Ganun ba? Kung ganoon, gagawin ko na lang iisang grupo kayo rito." Tumango ako. Tumingin naman si Darlene, ang President ng Grade 12 Black, at nag-mouth ng "thank you." Tipid lang akong ngumiti pabalik. "The Cream Section from Grade 11 got the amount of 2.5 million. Please get your chosen charities, Mr. Magnus and Ms. Garza." Pumalakpak kami bilang pagbati. Tumayo ang katabi ko at ang isang babae na nakaupo malapit kay Head Master. Naalala kong Cream Section din pala siya at president ng SGO si Solene. Nagpasalamat sila matapos makuha ang dalawang envelope. "Congratulations!" "Next, let's proceed to the Grade 11 and 12 Black Section with a total amount of 5.5 million. Please get your chosen charities, Ms. Del Verra and Ms. Sanchez." Ang kaninang mga masamang iniisip ko ay bigla naglaho. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko pa nakausap sina Jessica tungkol dito. Akala ko kanina, baka prank lang iyon. Pero sila mismo ang nag-submit kay Head Master, kaya hindi puwedeng lokohin lang iyon. "Congratulations!" Nakangiting bati ni Head Master. Nagpasalamat kaming dalawa ni Darlene. Pagkatapos noon ay may binanggit pa siya, pero hindi ko na masyadong pinansin dahil tungkol na lang iyon sa mangyayaring acquaintance party—isang Black Tie Party. Hindi ko alam kung puwede bang lumiban sa mga ganoon, dahil tinatamad na ako at pagod na rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD