CHAPTER 6 (LAST SECTION)

1259 Words
KENDRA Mabilis kong hinanap ang classroom nang marinig ko ang tunog ng bell kanina. Hindi ko man alam kung saan ito eksakto, nagtanong-tanong na lang ako sa mga nadaanan ko. Napapapansin ko lang tuwing sinasabi kong "Grade 11 – Black Section," bigla silang natigilan at para bang kinikilatis nila ako — jinujudge ang tamang term — pero wala naman silang sinabi at itinuro lang kung saan. Magkasama sa iisang building ang Grade 11 at Grade 12: nasa first floor ang Grade 11, at sa second floor naman ang Grade 12. Nakahinga naman ako nang maluwag nang malamang walang mga estudyanteng pagala-gala sa hallway — mukhang nagsimula na ang klase. Sa pinakadulo ng pasilyo matatagpuan ang section na na-assign sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-expect, pero hindi siguro gano’n kalala. Besides, international school pa rin ito, kaya inaasahan kong mayroon pa rin silang mahigpit na pamamalakad pagdating sa disiplina ng mga estudyante. Pero pagkarating ko sa tapat ng pintuan, biglang nawala lahat ng inaasahan ko. Sa labas pa lang ay rinig na ang ingay at sigawan ng mga estudyante sa loob. Para bang hindi sila mga anak-mayaman, dahil tila hindi tinuruan ng good manners. I think this will be hell week. Ngayon pa lang, gusto ko nang umatras at ikonsidera ang suggestion ni Serene kanina kay Headmaster. Hindi na ako kumatok dahil alam ko namang wala ring epekto. Pagbukas ko ng pinto bigla naman silang natahamik lahat pero maya-maya rin ay bumalik sila sa kanya-kanya nilang ginagawa. Ako? Naghanap na lang ng mauupuan. Napili kong sa unuhan dahil iyon ang bakante. Typical na last section talaga ayaw sa unahan. Why? Of course takot sa resitation. Mukha namang walang pakialam ang mga nandito kaya mabuti na rin iyon. Wala namang sigurong bully dito? Syempre what do you expect? Sabi nga nandito lahat ng mga may bad record so consired na nandito ang mga bully. Well..the heck kung meron man hindi ako magpapatalo. Wala pang professor ng dumating ako kaya maingay sa loob. Tahimik namang inorbserve ang paligid baka maisipan nilang magprank at ako napili. You know, iyon kasi ang naisip kong kadalasan gawain ng mga bully. Napansin kong halos lalaki ang nandito may ilan lang babae pero mabibilang sa sampung daliri. Mukhang ang iba ay magkakakilala base na rin sa closeness dahil pansin niyo naman na maingay at magulo ang klase. Ilang minuto rin ang lumipas bago dumating ang teacher — kasunod niya si Serene. Natatandaan ko siya; siya ang naging proctor noong exam. Medyo natahimik naman ang paligid nang dumating sila. “Good morning, everyone. I’m Miss Emery Perez. I will be your adviser for the whole year and your subject teacher in several subjects like General Psychology, Business Mathematics, and Economics. So let’s begin. Please introduce yourselves in front. Let’s start with Miss Acosta,” sabi niya habang nakatingin kay Serene. Medyo nagulat pa si Serene, pero sumunod rin sa sinabi ni Miss Emery. “I’m Serene Bianca Acosta, 18 years old,” maikling sambit niya. Naghintay pa si Miss Emery ng karugtong, pero mukhang wala nang gustong idagdag si Serene. “Thank you, Miss Acosta. You can find your own seat,” sabi ni Miss Emery. Naghanap naman ng mauupuan si Serene at pinili niya ang upuang malapit sa akin, sa may aisle. Hindi na lang namin pinansin ang isa’t isa. Bakit pa? Hindi na rin naman kailangan — technically, hindi naman talaga kami magkakilala. “Next, please introduce yourself,” sabi ni Miss Emery, sabay tingin sa akin. Dahil ako ang pinakamalapit sa unahan, ako ang unang nakita. Tumayo lang ako mula sa kinauupuan ko. “I’m Kendra Del Verra, 18 years old.” Hindi ko na sinabi ang buong pangalan ko — alam ko namang walang may pakialam. Naghintay rin siya ng karugtong, pero umupo na lang ako. Kaya nagpatuloy na siya sa pagtawag sa iba pang estudyante. Hanggang sa matapos ang introduction. Tatlumpu (30) lahat ang present na estudyante, at sabi ni Miss Emery, may apat pa raw na wala. Psh, first day pa lang, may VIP na agad na estudyante. Nag-start naman ang klase, introduction pa lang naman ng mga subjects at kung ano ang mga aasahan namin. Pero nahalata kong wala masyadong nakikinig kay Miss Emery. Nasa kalakitnaan ng klase ng may dumating na apat lalaki na estudyante. Deretso silang pumunta sa likod. Nakita ko namang napatigil ang buong klase lalo na ang adviser namin. Akala mo kung sino feeling nila ay pagmamay-ari nila ang buong lugar kung makaasta silang mga hari. “Alis.” Malamig at walang emosyong sabi ng isang lalaki na mukhang leader nila. Mukhang takot at mabilis na tumayo ang tatlong lalaki at naghanap ng upuan at nakita nila ang katabi ko na malapit lang sa harapan. Hinintay ko namang pagsabihan ng adviser namin ang tatlo walang manners pero buntonghiniga lang ito at pinaglagpas ang nangyari. Medyo tumaas ang kilay ko dahil sa mga nangyayari. Hindi ko akalain na may ganitong situation pa palang nangyayari. Don’t tell me na natatakot siya sa mga ganyang studyanteng. Bigla ko namang binaling ang kaninang lalaki na mukhang leader nila at hindi ko inaasahang nakatingin rin ito saakin binigyan niya lang ako nito ng nakakabagot na tingin para bang sinabi nitong f**k-off. Kaya tinaasan ko lang ito ng kilay. May araw ka rin. Isa sa mga ayoko ay 'yung mga taong walang respeto. Kahit sabihin nilang gano'n din ako minsan, ang totoo, pinipili ko lang talaga kung sino ang rerespetuhin ko — tulad na lang ng adviser namin. Natapos ang kalahating araw pero pakiramdam ko isang linggo na akong nakaupo. May klase pa mamayang hapon, pero nababagot na rin ako, tulad ng karamihan sa mga estudyante. Nag-message ako kay Ara kung nasaan na siya, at sabi niya nasa cafeteria na siya. Bukas ay election ng classroom officers, pero sa klase namin, mukhang walang may pakialam. Na-miss ko tuloy 'yung dati kong involvement sa mga ganitong activities — pero ngayong nandito ako, para bang nakakawalang-gana. "You must be Kendra, right?" tanong ng isang kaklase na lumapit sa akin, kasama ang dalawa pa. Tatlo sila — dalawang babae at isang binabae. "What do you want?" agad kong tanong. Well, ganun naman kadalasan. Ang mga lumalapit, may kailangan. At hindi malabong ganun din ang pakay nila. "You're really straightforward, gurl. I like you na," sabi ng binabae habang nakangiti. "I'm Nyx Espinoza, by the way. And these are my friends, Krystal and Jessica — magkapatid sila. Gusto lang naman naming makipagkilala sa'yo." "Just straight to the point," sagot kong nababagot. Alam kong may ibang pakay pa 'to. Natawa si Nyx. "I like you na talaga, gurl. Ganito kasi 'yon. Hihingi lang ako ng maliit na favor from you. I want to run for class president tomorrow, and I just want your support — kung okay lang naman." See? Alam ko na agad ang agenda niya. "What if I want to run for class president too?" tanong ko. Kita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Wala naman talaga akong balak tumakbo — gusto ko lang siyang subukan. Sa reaksyon niya, halatang hindi niya inaasahan na may gustong kumalaban sa kanya. "Well, if that's the case, may the best winner win," sabay irap niya sa akin. Yung kaninang friendly approach, biglang naging cold. Huh. Sinasabi ko na nga ba. Alam na alam ko kapag may kailangan ang isang tao — at kapag hindi nila nakuha ang gusto nila, bigla na lang silang nag-iiba ng ugali. Hindi ko naman na pinansin ang mga iba na naiwan at umalis na agad. This is really tiring.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD