Simula

2468 Words
"Insan, wala ka bang balak na mag apply sa Maynila?" Napatigil ako sa pagwawalis dahil sa tanong ng aking pinsan. "Wala, tsaka okay na'ko dito sa probinsiya...tahimik at hindi magulo." Mas gusto ko dito dahil payapa dito kesa sa siyudad at hindi rin naman ako sanay roon. "Eh, sayang naman kung ganun, mayroon kasing bakante sa pinagtatrabahuan ni Mama baka lang kasi gusto mo?" Aniya at napakamot sa ulo. Si Antie Lucie ay namamasukan bilang isang kasambahay sa Maynila at magsasampung taon na siya duon. Malaki daw magpasahod ang kanyang amo kaya hindi na daw lugi. Malaki din ang naitulong ng matagal niyang pamamasukan duon dahil sa awa ng Diyos ay nakapag pundar siya ng bahay at lupa. Gusto ko sana kaso ayaw ko namang maiwan si Mama dito nang mag isa. "Hindi na, Lucylle. Salamat na lang ka'mo." ani ko at ipinagpatuloy ang pagwawalis. Nakakapanghinayang dahil malaki laki ang sahod. "Sige, sasabihin ko kay Mama mamaya kapag napa tawag." aniya at pinanood niya akong mag walis. Patapos na ako sa pag wawalis ng marinig ko ang boses ni Gabo. "Hays, nandito nanaman pet peeve ko." bulong ni Lucylle at napairap ng mapalapit si Gabo. Napabuntong hininga ako at pinigilang huminga nung malapit na siya at nag salita. "Magandang hapon, Alleli honeymylove so sweet!" napangiwi ako dahil may naramdaman akong mga laway na tumalsik sa mukha ko. T*ngina! Ang baho talaga ng hininga shet! "Huy, Gabo. Maawa ka naman kay Alleli! mamamatay na yan sa suffocation eh!" aniya at napatawa ang bruha. "Ha, bakit naman?" wala siyang ka ideya ideyang nanununtok na ang kanyang hininga. Kaunti na lang talaga at baka maduduwal na ako dito. "Hindi ka ba nababahuan sa hininga mo? Panang awa mo na oh, mag toothbrush ka naman!" "Nag toothbrush kaya ako bago ako pumunta rito," aniya at inamoy ang kanyang sariling hininga. "Hmm, refreshing." sabi niya pa pagtapos maamoy. Buti na lang at mahaba haba ang pasensiya ko ngayon, kasi kung hindi nasuntok ko na siya kanina pa. "Tignan mo si Alleli, hindi naman siya nagrereklamo ah? Alam kasi niya na mabango hininga ko! amoy baby breath." aniya at naramdaman ko nanaman ang pagtalsik ng kanyang laway saaking pisngi. Yuck! T*ngina talaga! Isa na lang talaga magkaka black eye na'to. Halos himatayin na nga ako sa baho ng hininga niya e! "Hindi nga siya nagrereklamo e, halos patayin ka na sa talim ng tingin! At anong baby breath ka diyan, baka bad breath!" napa iling at napapatakip ng ilong ang aking insan. "Ang sama mo naman, Lucy. Naiinggit ka lang siguro dahil-" "Hoy, Gabo. Never akong maiinggit sayo 'no! Anong kakainggitan ko? 'yang mabahong hininga mo? Edi kung ganon mamatay na lang ako!" 'Nu ba naman 'tong dalawa na'to! "Hoy, tama na nga kayong dalawa diyan, baka mamaya mag suntukan na kayo e!" pagsasaway ko dahil mukang nagkaka initan na silang dalawa, kawawa si Gabo kung sakali dahil bardagulera itong si Lucylle. "Ito kasi si Lucy-" "Anong ako nana-!" natigil siya sa pagsasalita dahil dinekwat ni Gabo ang kanyang mga bibig gamit ang isa niyang kamay! Lagot! Nagpupumiglas ang aking pinsan at nung nakawala ay "GABO!" gigil siyang sumigaw. Sinapak at kinurot niya sa pwet si Gabo. "Sorry!" ani Gabo na panay ang iwas sa mga sapat at kurot ni Lucy. "T*ngina ka, kadiri ka lumayo ka nga sa'kin!" halos mangiyak ngiyak na siya. Napatawa naman ako at inasar sila. "Uy, diyan nagka tuluyan lolo't lola ko!" ani ko at napatawa pa lalo ng ba "Pakyu, kadiri! di ko'to papatulan!" aniya at itinaas ang kanyang middle finger. "Choosy ka pa Lucy-" "He! manahimik ka!" Napatakbo naman si Gabo dahil kinuha ni Lucy ang walis na gamit ko kanina at aambang ipapalo ito kay Gabo na buti na lang ay nakatakbo. "Next time nalang, Alleli! may bruha kasi e-!" aniya at napa ilag ng ibato ni Lucy sakanya ang walis. Nang wala na si Gabo ay panay naman ang reklamo ng aking Pinsan. "Kadiri ampota!" aniya at dumeretso sa may poso para mag mumog at maghugas ng mukha, sumabay na rin ako sa paghihilamos naamoy ko pa rin kasi yung laway ni Gabo. "Yari sa'kin 'yang Gabo na'yan kapag nakita ko siya! kala niya ah!" "Hayaan mo na insan, hindi ka pa ba nasasanay?" pinatay ko na ang poso at tumayo. Hay, Salamat at hindi na Amoy kanal- este laway. "Insan naman...ang baho kaya!" reklamo niya. "Wala na tayong magagawa-" naputol ang aking sasabihin ng tawagin ako ni Mama. "Eli, anak! kakain na! Lucy!" "Sige, ma! "Opo, antie!" Tinulungan ako ni Lucy sa Pag aayos ng mga gamit na ginamit ko kanina at pagkatapos ay pumanhik na kami papasok sa bahay. Hindi malaki at hindi naman maliit ang aming bahay, saktohan lang ito. Nagtungo na kami sa kusina at tumulong kay Mama sa pag lalagay ng mga pagkain sa lamesa. "Ma, ako na diyan, maupo ka nalang." tumango siya at ipinagpatuloy ko ang pagtimpla ng juice. "Kain na, Lucy." ani Mama at iniabot ang kanin saaking pinsan. "Salamat, Antie!" at kumuha ng limang sandok na kanin. Akala ko ba mag d-diet ang isang to? "Di ka diet?" umiling siya. "Hehe, next year na lang insan! kapag nandito ako sa bahay niyo walang diet diet!" aniya na animong isang bata na may bulate sa pwet. "Ilang years mo na yan sinasabi ah? Kada new year 'yan yung new years resolution mo e." napakamot siya sakanyang ulo at sumubo na. "O, siya kumain na tayo hayaan mo na 'yang pinsan mo, kahit naman marami iyan kumain e, hindi naman tumataba!" "Korik ka diyan antie!" tumatawa tawa pa ang bruha, inirapan ko na lang. "Palibhasa kasi insan hindi mo pa nararanasang maging mataba kasi naman napaka sexy mo! akalain mo coca cola body! paano mo na-achieve yan? tutorial naman!" Nagkibit balikat ako at naisipan ko siyang asarin. "Paano ko na-achieve 'tong coca cola body? easy lang naman!" "Pa'no?!" aniya at itinuon saakin ang kanyang buong atensiyon. "Inaamoy amoy ko sa umaga hininga ni Gabo-" hindi pa ako natatapos ay napabuga siya ng kanyang kinakain. "Alleli!" si Mama nagulat yata. "Ampota! bwiset ka Alleli! seryoso yung tao e, tapos ganyan ka! paasa ampota!" Mas lalo pa akong natawa. "Sayo na lang yang coca cola body mo kung ganon! kadiri!" "Ito naman, syempre biro lang yun!" Uminom ako ng tubig. "Ka badtrip, wag mo na nga mabanggit banggit pangalan nung unngoy na yun!" Sus, rereklamo pa! Pagkatapos kumain ay nag presinta na akong mag hugas ng mga Plato at si Lucy naman sa paglilinis sa mesa. Pagtapos ko maghugas ay nag paalam na siyang uuwi na. "Sige, insan. kita nalang tayo bukas,!" aniya at kumaway palabas ng gate. "Antie, alis na ako, salamat sa pagkain bukas ulit!" kumaway siya kay Mama. Kumaway na din si Mama." O, sige. Mag iingat ka ha!" "Opo!" "Insan, gala tayo bukas!" pahabol niya pa. Wala naman akong gagawin bukas kaya pumayag na ako. "Sige! sunduin mo ako ha!" "Oo na! bye!" "Bye! Ingat!" Hinintay ko pa siyang makalayo hanggat hindi ko na siya nakikita ay pumasok na ako at nagpaalam na kay Mama na matutulog na. Pumasok na ako sa kwarto ko at naligo muna. Pagtapos naman ay tinuyo ko muna ang aking buhok at nahiga na sa kama pagkapatuyo. Sa sobrang antok ay hindi rin nagtagal ay nakatulog na ako. Pagkagising ko kinabukasan ay naligo muna ako bago bumaba. Mamaya pa naman ang lakad namin ni Lucy, kaya may time pa akong makapag linis ng bahay. Pagkatapos ko kumain ay naghugas muna ako bago sinimulang maglinis sa sala. “Anak, diba may lakad kayo ng pinsan mo? Ako na ang maglilinis diyan.” Umiling ako. Hindi pa naman Matanda si Mama, thirty eight pa lang siya at napaka ganda niya pa din. Seventeen taon siya noong nabuntis kaya bata pa siya. Simula noong ipinanganak ako hindi ko ‘man lang nasilayan ang aking ama. Kapag tinatanong ko naman kay Mama kung buhay pa si Papa ang lagi niya namang sagot ay wala na raw ito. Nakakalungkot lang dahil wala akong kinagisnang ama. Gustong gusto ko siyang makita o mayakap man lang. “Oo, ma. Mamaya pa naman ‘yon kaya ako na muna dito habang inaantay ko siya.” “O, sige. Tawagin mo nalang ako kapag nandiyan na siya, ha?” aniya at pumunta sakanyang kwarto. “Sige, ma.” Ipinagpatuloy ko ang paglilinis at pagkatapos ay sakto namang dumating ang aking pinsan na may dala dalang mangga. “Insan, kanina ka pa ba nag aantay?” Lumapit ako sakanya at kinuha ang kanyang dala na mangga. “Hindi naman, tsaka salamat pala dito sa mangga.” Inilapag ko sa mesa ito sa lamesa. “Pasensiya ka na natagalan lang konti, nakita ko kasi yung punong mangga nila Gabo na marami nang bunga kaya humingi ako at pinaakyat siya.” Aba! Bati na sila! “Ano ka ba, okay lang yun! Bati na pala kayo ni Gabo! Goods yan!” Napatawa ako nang makita ko ang kanyang pagkakainis. “Sakalin ko yun e!” “Sus! Sige na pala, antayin mo ako diyan at magpapaalam lang ako Kay Mama!” Sabi ko iniwan siya dun. Kumatok ako sa pinto ni Mama. "Ma, nandito na si Lucy, aalis na kami!" Lumabas siya at humalik saaking pisngi. "Sige, mag iingat kayong dalawa,ha?" Ngumiti ako sakanya. "Oo, ma. Alis na kami, love you!" "O, siya sige mag iingat kayo ha? I love you too, anak." aniya. - Pumunta kami dito sa isang kilalang pasyalan dito saaming lugar na kung saan ay may dalawang falls. Dito kami lagi pumupunta dahil hindi lang maganda rito kundi payapa din kasi hindi pa masyadong naddiscover, at mabuti na rin iyon para hindi masira ang ganda nito kapag rumami na ang taong makaka alam nito. "Eli, doon tayo sa may bandang dulong cottage!" bitbit ni Lucy ang dala naming gamit at dumeretso duon sa sinasabi niyang cottage. Napalinga linga ako sa paligid. May mga mangilan ngilan ding mga tao na naliligo dito ngayon. "Maliligo ka na ba? liligo na ako, ang init kasi at puro na ako pawis ang layo kasi ng nilakad natin!" aniya at nagsimula ng magtanggal ng kanyang suot na damit hanggang sa short at bra na lang ang natitira niyang saplot. "Maya na, magpapahinga muna ako, sige mauna ka na ako na ang bahala dito." tumango naman siya at lumusong na sa tubig. Iniayos ko ang mga dala naming pagkain at inumin. Maya maya pa ay may narinig akong nagtatawanan sa aking bandang likuran hindi ko sana sila papansinin ngunit naagaw nila ang atensyon ko dahil sa malalakas nilang tawanan. "Eli!" tawag saakin ni Levi. Lumapit siya sa banda ko habang naka sunod ang kanyang mga kaibigan, anim sila tatlong babae at tatlo ring lalaki. Ngumiti ako. "Levi!" Si Levi ay kaklase ko pareho kaming kursong kinuha which is nursing. Nasa 3rd year na kami at ngayon ay ang aming sembreak. "Hindi ko alam na makikita kita dito, maliligo ka? sinong kasama mo?" aniya at ngumiti. "Hi, Eli!" bati naman ng kanyang kasamang mga lalaki sa likuran. "Ang ganda mo!" uminit ang aking pisngi sa aking narinig. I know right! Nagbulungan naman ang tatlong babaeng kasama nila at sinamaan ako ng tingin. "Hello! and thank you!" ngumiti ako sakanila. Ibinalik ko ang aking tingin Kay Levi. "Mamaya pa ako maliligo, si Lucylle kasama ko. Nandun." at itinuro ko si Lucy na ngayon ay ang sarap na ng ligo. "Kayo?" Binalingan niya ang kanyang nasa likuran kaya napatingin na rin ako. Isang irap ang natanggap ko sa Isang babae nilang kasama na ang pangalan ay Anika. Isa din yata siya sa nagkakagusto rito kay Levi kaya ganyan makapang irap. E hindi ko naman gusto si Levi! Kaibigan lang ang tingin ko sakanya at aware naman akong pinopormahan ako nito pero lagi kong ipinapaalala sakanya na pagiging magkaibigan lang ang kaya kong ibigay sakanya at aware din siya duon. Wala pa sa bokabolarya ko ang pagkakaroon ng boyfriend. Maraming sumubok manligaw pero binasted ko silang lahat. Hindi naman mahirap gustuhin si Levi dahil bukod sa may itsura ito ay mabait at matalino siya. Kaya maraming nagkakandarapa sakanya sa aming paaralan. Tsaka na ako mag boyfriend kapag ayos na lahat, I mean kapag tapos na ako sa Pag aaral at emotionally stable na ako. "Hindi, napadaan lang kami." aniya. "Ah, ganun ba? sige pala." ngumiti siya saakin at napatitig. "Tara na guys, it's so boring here!" maarteng sabi nung babaeng tinarayan ako kanina. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "El, una na kami, may gagawin pa kasi kami sa farm." tumango naman ako at nag paalam. "Sige lang." Ngumiti siya at umalis na. Sakto naman ang pagdating ni Lucy. "Sina Levi iyon ah? Di sila maliligo?" aniya at binuksan ang Isang chips na naroon sa mesa. Umiling ako at sumunod sakanya. "Hindi daw, may gagawin daw sila." "Ah, ganon? balita ko may gusto sayo yun ah?" tumingin siya saakin. "Binasted mo?" Tumango lang ako. "Hanep, ganda talaga ng pinsan ko! How to be you po!" napahalakhak siya. Inirapan ko na lang. "Ano, malamig ba yung tubig?" pagwawala ko sa usapan. "Ang lamig besh! kasing lamig ng convo namin!" bruhildang toh lagi na lang may hugot! "O, buti di ka nanigas!" "Ay, wag naman! baka mawalan ng hot dito sa Pinas!" Napangiwi naman ako sakanyang mga pinagsasabi. Kung hindi ko lang siya kilala o pinsan baka sinupalpal ko na toh. "Tama na yan, magkakasakit ka na niyan sa pagiging assuming mo." bawi ko naman. "Heh, KJ naman ne'to!" Pinandilatan ko lang siya ng mata. - Thirty minutes lang ako naligo at napag desisyonan na naming umuwi dahil mag aalas singko na ng hapon. Iniligpit muna namin ang aming mga gamit. "Mag tricycle na lang tayo insan! ayoko na mag lakad nakakapagoda!" "Sige." Nag lakad na kami papunta sa kalsada at nag abang ng masasakyan. Nang makasakasakay ay inabot pa kami ng trenta minuto bago makarating sa bahay imbes na sampung minuto lang dapat! Ang bagal kasi ni manong huhu! "Ma?" tawag ko kay Mama at kumatok sa pintuan. "Antie, dito na us!" si Lucy. Pagka bukas ko ng pintuan ay bumungad saamin si Mama na naka bulagta at naghahabol ng hininga. "Ma!" takbo ko palapit sakanya. "Lucy, tumawag ka ng ambulansya!" "S-sige, s-sandali lang!" aniya at natataranta na. "Tulong! Ma!" Umiiyak na ako dahil sa kalagayan ni Mama ang hirap tignan na nahihirapan siya. "Ma!" "Naku! Lizl! tulong Gardo! buhatin niyo si Lizl at isakay sa tricycle! jusko kung aantayin pa ang ambulansya baka hindi na niya kayanin!" si aling bebang na kapitbahay namin. Pinagtulungan nilang buhatin si Mama at isinakay sa tricycle. "Salamat po aling bebang!" ani ko at nagmamadaling sumakay. "Naku, walang anuman!" "Lucy, halika na!" tawag ko saaking pinsan.Sumakay na din siya. "Anak..." paos at nahihirapang boses ni Mama. Mas lalo akong naiyak dahil sa kanyang kalagayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD